Pumunta sa nilalaman

Lilok

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Iskultura)
Moses ni Michelangelo, (c. 1513–1515), nakalagay sa simbahan ng San Pietro sa Vincoli sa Roma. Ikinomisyon ni Papa Julius II noong 1505 para sa kanyang puntod.

Ang lilok[1] o eskultura[1] ay kahit anong tatlong-dimensiyonal na anyo na nilikha bilang isang masining o artistikong pamamahayag ng saloobin. Tinatawag na paglililok[1] o pag-eskultura ang sining sa pagbubuo o paghuhubog ng isang bagay na maaaring kahit anong laki at kahit sa anong nanaangkop na materyal. Manlililok o eskultor naman ang tawag sa mga taong gumagawa o lumililok ng mga istatuwa o rebulto.[1]

Ang iskultura ay isa sa mga sangay ng Sining Biswal na naisasagawa sa tatlong dimensiyon. Ang proseso ng panlililok upang ito ay maging matibay, ay karaniwang ginagamit ang pag-uukit (ang pagtanggal ng materyal) at paghuhulma (ang pagdagdag ng materyal tulad ng luad), bato, metal, seramiko, at kahoy at iba pang materyales pero, sa panahon ng modernisasyon, ang proseso ng paglililok ay nagresulta o napunta sa kalayaan sa kahit anong materyales at proseso na maaaring gamitin. Sa malawak na pagkakaiba-iba ng materyal maaaring gamitin ang paguukit at paghuhulma. Ang isang iskultura na gawa sa bato ay mas matagal mabuhay kaysa gawa sa ibang madaling masirang materyales. Madalas nirerepresenta ang karamihan sa mga nanatiling iskultura (maliban sa paggawa ng palayok) galing sa sinaunang kultura, ngunit ang tradisyon ng paglililok sa kahoy ay maaaring mawala na ng tuluyan. Karamihan sa mga sinaunang eskultura ay pinintahan ng maliliwanag na kulay at ito ay nawala na. Ang iskultura ay naging sentro ng relihiyosong debosyon sa maraming kultura. Ang malalaking eskultura na masyadong mahal para sa mga pribadong indibidwal para ilikha ay kadalasang simbolo ng relihiyon at pulitika.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 English, Leo James (1977). "Panlililok, eskultura, eskultor, iskultor, lilok, sculpture, atbp". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Sining Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.