Iskwalang panubok
Ang iskwalang panubok, tinatawag ding iskwalang pansubok o iskwalang pangsubok (Ingles: try square[1], na minsang binabaybay bilang tri square) ay isang kasangkapang panggawaing kahoy, katulad ng sa gawain ng karpintero, o kagamitang panggawaing metal na ginagamit sa pagmamarka o pagsusukat ng isang piraso ng kahoy. Ito ay kasangkapang hugis L na may anggulong nasa degring 90 upang makatiyak na iskwalado o tumpak ang anggulong tuwiran. Ito ang dahilan kung bakit may salitang square (parisukat) sa pangalan nito sa Ingles na try square; samantala ang try ay may kaugnayan sa pagsubok sa isang kalatagan upang masuri ang katuwiran nito o pagkakatugma sa isang kadikit na kapatagan. Ang isang piraso ng kahoy, partikular na ang isang tabla, na parihaba, patag (sapad), at ang lahat ng mga bingit (mga mukha, mga gilid, o mga dulo) ay may degring 90 ay tinatawag na "apat na parisukat" (four square sa Ingles). Ang tabla ay kadalasang tinabas na may apat na tinabas natuwid na gilid (mga "parisukat na gilid") bilang paghahanda sa paggamit nito sa mga paggawa ng mga muwebles o iba pang mga proyektong pangkahoy. Hinggil sa pagbabaybay ng try square bilang tri-square sa Ingles, ang tri (tatluhan) ay maaaring tumukoy sa tatlong mga layunin ng kasangkapang ito, na: (1) upang tiyakin ang pagiging parisukat (iskwalado), (2) upang tiyakin ang pagkakapatag, at (3) upang maglapat ng mga guhit. Ang isang tradisyunal na iskwala ay mayroong isang malapad na talim o "dahon" na maaaring yari sa asero o tansong dilaw na nakatutop sa isang hawakang gawa sa kahoy. Ang loob ng tanganang kahoy ay pangkaraniwang may isang piraso ng aserong bakal o tansong dilaw na nakapirmi rito at tumpak ang pagiging nasa degring 90.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Iskwala ng karpintero
- Iskwalang kumbinasyon
- Iskwala ng makinista
- Iskwalang asero
- Iskwala ng anggulo ng tahilan, kilala sa Ingles bilang speed square o rafter angle square
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "iskwala, tri-square used by a carpenter". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-06. Nakuha noong 2012-01-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.