Itim na Nazareno
Ang Itim na Nazareno na kilalá rin bílang Poong Hesus Nazareno (Espanyol: Nuestro Padre Jesus Nazareno) ay ang gataong imahen ni Hesus na may pasan-pasan na krus na nakalagak sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila, Pilipinas mula pa noong 1787.[1] Ito ay gawa sa maitim na kahoy at nakabihis ng maroon na bata. Sinasabing nasunog ito sa galeong sinasakyan nito mula Mexico patungong Maynila ngunit walang katiyakan ang sanhi ng itim nitong kulay at pawang mga pagpapalagay lámang noong nagkaroon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naputol ang totoong kamay nito sa kanan ngayon ay itinago ito sa loob ng simbahan.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang imahe ng Itim na Mira ay dinalá sa Maynila ng mga pari mula sa mga Augustinian Recollect noong 31 Mayo 1606. Ang imahen nito ay inilagak sa unang simbahan ng Recollect sa Bagumbayan (na ngayon ay parte na ng Rizal Park), at pinasiyahan noong 10 Setyembre 1606.
Noong 1608, ang pangalawang pinakamalaking simbahang Recollect na inihandog kay San Nicolas de Tolentino (Saint Nicholas of Tolentine) na natapos sa loob ng Intramuros (kung saan nakalagak ngayon ang gusali ng Manila Bulletin) at ang imahen ng Nuestro Padre Jesús Nazareno ay inilipat dito. Ang mga pari ng Recollect ay patuloy na isinulong ang debosyon sa Paghihirap ni Hesus sa pamamagitan ng nasabing imahen. Makalipas ang labinlimang taon, nabuo ang Cofradia de Jesús Nazareno at itinatag noong 21 Abril 1621. Nakatanggap ito ng Papal approval noong 20 Abril 1650 mula kay Papa Inocencio X.
Noong 1787, si Basilio Sanco Junta y Rufina, ang Arsobispo ng Maynila ay nagutos na ilipat ang imahen sa Quiapo, sa ilalim ng pagtaguyod kay San Juan Bautista.
Ang imahen ng Nazareno ay naisalba sa iba't ibang kalamidad at digmaan tulad noong nasunog ang simbahan sa Quiapo noong taong 1791 at 1929 gayundin ang lindol noong 1645 at 1863 at ang pambomba sa Maynila noong 1945 noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Noong 1998, isang replika ng orihinal na imahen ng Itim na Nazareno ang ipinarada dahil sa pinsalang nakamit ng orihinal na imahen at mula noon, ginamit na ito sa mga prusisyon habang ang orihinal na imahen ay nanatiling nakalágak sa loob ng simbahan. Ang iba pang maliit na replika ng imahen ay matatagpuan sa loob ng simbahan.
Debosyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang relihiyosong pamimintuho ng Poong Hesus Nazareno ay pinagmulan na ng kabilang sa mga Pilipino na tukuyin ang kanilang mga sarili sa Pagpapakasakit ng Panginoong Jesu-Kristo. Maraming mga deboto ng Poong Hesus Nazareno ay nauugnay sa kanilang kahirapan at pang-araw-araw na pakikibáka sa sugat at masaklap na naranasan ni Hesus, na kinakatawan ng imahen. Kahit na ang pintakasi ng Basilica mismo na si San Juan Bautista, ang Itim na Nazareno ay mapuspos ito dahil sa apela ng masa. Ang mga deboto ay nagbigay-pugay sa pamamagitan ng pumapalakpak ang kanilang mga kamay, sa katapusan ng bawat misa na inaalay sa dambana.
Ang katangi-tanging debosyon na ito ng mga Filipino sa Itim na Nazareno ay nakapagbigay ng karagdagang papuri mula sa dalawang papa: sina Inocencio X noong 1650, sa pagkakatatag ng Cofradia de Jesús Nazareno at Pio VII noong ika-19 siglo, sa pamamagitan ng pagbibigay ng indulhensiya sa mga nagdarasal sa imahen ng Itim na Nazareno.
Sa kasalukuyan, ang debosyon sa Itim na Nazareno ay patuloy na nagbibigay ng sigla at kapayapaan sa mga deboto sa kabila ng mga sakít, galos, sugat at kung minsan ay kamatayan na nagaganap tuwing prusisyon, at tila 'di inaalintana ng mga deboto.
Kapistahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinagdiriwang ang Traslacion o paglilipat sa bagumbayan patungo sa simbahan ng Itim na Nazareno tuwing ika-9 ng Enero.
Himno sa Poong Hesus Nazareno
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ibaba ay ang mga titik ng Pambansang awit na binubuo ni Lucio San Pedro, na ginagamit sa simbahan ng Quiapo bílang pangunahing awit sa Itim na Nazareno.
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Sinasamba Ka namin
Pinipintuho Ka namin
Aral Mo ang aming búhay
at Kaligtasan.
Nuestro Padre Jesus Nazareno
Iligtas Mo kami sa Kasalanan
Ang Krus Mong Kinamatayan ay
Sagisag ng aming Kaligtasan.
Koro:
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Dinarangal Ka namin!
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Nilul'walhati Ka namin!
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Dinarangal Ka namin!
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Nilul'walhati Ka namin!
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Black Nazarene. Archdiocese of Manila. Naka-arkibo 2012-01-10 sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)