Pumunta sa nilalaman

Ivan IV ng Rusya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ivan IV ng Rusya
Kapanganakan25 Agosto 1530 (Huliyano)
  • (Nagatinsky Zaton District, Mosku, Rusya)
Kamatayan18 Marso 1584 (Huliyano)
MamamayanTsarato ng Rusya (1547–)
Trabahopolitiko

Si Ivan IV Vasilyevich (Ruso: tungkol sa tunog na ito Ива́н Четвёртый, Васи́льевич​ , Ivan Chetvyorty, Vasilyevich), kilala rin bilang Ivan ang Terible, Ivan ang Nakakahindik, Ivan ang Nakakatakot, Ivan ang Nakapangingimi, o Ivan ang Nakakasindak (Ingles: Ivan the Terrible, Ivan Grozny Ruso: tungkol sa tunog na ito Ива́н Гро́зный​ ) (25 Agosto 1530, Moscow – 28 Marso [Lumang Estilo 18 Marso] 1584,[1] Moscow) ay ang Grandeng Prinsipe ng Moscow mula 1533. Ang kanyang mahabang pamumuno ay nakapagmasid ng pananakop ng mga Khanaduhan ng Kazan, Khanaduhan ng Astrakhan, at Khanaduhan ng Sibir (Khanaduhan ng Siberia), na nagpabago sa Rusya upang maging isang multi-etniko at multikumpesyunal na estado na sumasaklaw halos sa 1 bilyong mga hektarya, na lumalaki sa panahon ng kanyang pamumuno sa tulin na tinatayang 130 mga kilometro kuwadrado sa isang araw.[2] Pinangasiwaan ni Ivan ang maraming mga pagbabago sa paglilipat mula estadong nasyong midyibal na naging isang imperyo at lumilitaw na kapangyarihan o lakas na pangrehiyon, at naging ang unang Tsar ng isang bago at mas makapangyarihang nasyon.

Ang mga pinagmumulang makakasaysayan ay nagpapahayag ng magkakaibang mga paglalahad hinggil sa masalimuot na ugali o personalidad ni Ivan: nilarawan siyang matalino at mataimtim o mapitagan, subalit bumabaling sa mga matinding pagngangalit at maaaring bumaling sa yugtu-yugtong sumpong ng karamdaman sa pag-iisip. Ang isang natatanging sumpong ay maaaring nagresulta sa kamatayan ng kanyang inihanda at napiling tagapagmanang si Ivan Ivanovich, na humantong sa pagpapasa ng pagka-Tsar sa mas nakababatang anak na lalaki: ang mahina at maaaring may kapansanan sa pag-iisip (may retardasyong mental)[3] na si Feodor I ng Rusya. Tinawag si Ivan IV ng Rusya ng kanyang mag kaalinsabayan bilang "Ivan Grozny", na bagaman isinasalin bilang "Terible", ay katunayang may kaugnayan sa lakas, kapangyarihan, at kahigpitan, sa halip na hilakbot, lagim, o kalupitan.[4][5][6] Kaya't kilala rin siya bilang Ivan ang Magnipisente o Ivan ang Kahanga-hanga.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "28 Marso: Ang Petsang Ito sa Kasaysayan". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2005-03-19. Nakuha noong 2005-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Russia:Land Of The Tsars, History Channel
  3. History International Channel, 14:00-15:00 EDST noong 10 Hunyo 2008
  4. C. G. Jacobsen. Myths, Politics and the Not-so-New World Order, Journal of Peace Research, Bol. 30, Blg. 3 (Agosto 1993), pp. 241-250; Sipi mula sa pahina 242: "... ang kanyang estilo ng pamamahala at sistema, ay ganyang kay Ivan na Terible."
  5. Roy Temple House, Ernst Erich Noth, Pamanatasan ng Oklahoma. Books Abroad: An International Literary Quarterly, v. 15, 1941; pahina 343. ISSN: 0006-7431.
  6. Frank D. McConnell. Storytelling and Mythmaking: Images from Film and Literature, Palimbagan ng Pamantasan ng Oxford, 1979. ISBN 0-19-502572-5; Sipi mula sa pahina 78: "Subalit si Ivan IV, Ivan ang Sindak, o ayon sa Ruso, Ivan groznyi, "Ivan ang Magnipisente" o "Ivan ang Kahanga-hanga," ay tumpak na isang lalaki (o taong) naging isang alamat"