Ivan Pavlov

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ivan Pavlov
Kapanganakan26 Setyembre 1849(1849-09-26)
Ryazan, Russian Empire
Kamatayan27 Pebrero 1936 (edad 86)
Leningrad, Russian SFSR, Soviet Union
TirahanRussian Empire, Soviet Union
LaranganPhysiologist, physician
InstitusyonImperial Military Medical Academy
Alma materSaint Petersburg University
Mga estudyante sa pagkaduktorPyotr Anokhin, Boris Babkin, Leon Orbeli
Kinikilala dahil saPadron:Ublist
(Mga) naimpluwensiyahanKarl Vogt[1]
Jacob Moleschott[1]
(Mga) nakaimpluwensiyaPadron:Ublist
Natatanging mga gantimpala

Si Ivan Petrovich Pavlov (Ruso: Ива́н Петро́вич Па́влов, IPA [ɪˈvan pʲɪˈtrovʲɪtɕ ˈpavləf]Loudspeaker.svgRuso: Ива́н Петро́вич Па́влов, IPA [ɪˈvan pʲɪˈtrovʲɪtɕ ˈpavləf]; 26 September [Lumang Estilo 14 September] 1849  – 27 Pebrero 1936) ay isang Russian na pisyologo (physiologist) na nakilala sa sa kanyang gawa sa classical conditioning.

Mula sa kanyang pagkabata, ipinakita ni Pavlov ang kanyang intelektuwal na pag-usisa na may hindi pangkaraniwang enerhiya na kanyang tinukoy na "likas na hilig para sa pananaliksik".[3] Naging inspirasyon niya ang mga kumakalat na progresibong idea nina D. I. Pisarev, ang pinakatanyag na Russian na kritikong pampanitikan ng dekada 1860, at I. M. Sechenov, ang ama ng pisyolohiya sa Russia; inabandona ni Pavlov kanyang karera sa relihiyon at itinuon ang kanyang buhay sa agham. Noong 1870, nagpatala siya sa departamento ng pisika at matematika sa University of Saint Petersburg upang makapag-aral ng likas na agham.[2]

Nanalo si Pavlov ng Nobel Prize for Physiology or Medicine noong 1904,[4] at siya ang naging unang Russian na nanalo ng Nobel. Ang isang survey sa Review of General Psychology, na inilathala noong 2002, si Pavlov ang ika-24 sa pinakanabanggit na sikologo ng ika-20 siglo.[5] Ang mga prinsipyo sa classical conditioning ni Pavlov ay matatagpuan na gumagana sa iba't-ibang ng behavior therapy at sa eksperimental at klinikal na setting, tulad ng mga mga silid-aralan at nakakapagbabawas rin ng mga phobias gamit ng systematic desensitization.[6][7]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 John Powell, Derek W. Blakeley, Tessa Powell (eds.), Biographical Dictionary of Literary Influences: The Nineteenth Century, 1800–1914, Greenwood Publishing Group, 2001, "Pavlov, Ivan Petrovich (1849–1936)."
  2. 2.0 2.1 Anrep, G. V. (1936). "Ivan Petrovich Pavlov. 1849–1936". Obituary Notices of Fellows of the Royal Society 2 (5): 1–18. doi:10.1098/rsbm.1936.0001. JSTOR 769124. 
  3. Cavendish, Richard. (2011). "Death of Ivan Pavlov". History Today 61 (2): 9. http://www.historytoday.com/richard-cavendish/death-ivan-pavlov. 
  4. "The Nobel Prize in Physiology or Medicine 1904". nobelprize.org. https://www.nobelprize.org/nobel_prizes/medicine/laureates/1904/. Hinango noong 28 January 2013. 
  5. Haggbloom, Steven J.; et al., Renee; Warnick, Jason E.; Jones, Vinessa K.; Yarbrough, Gary L.; Russell, Tenea M.; Borecky, Chris M.; McGahhey, Reagan et al. (2002). "The 100 most eminent psychologists of the 20th century". Review of General Psychology 6 (2): 139–152. doi:10.1037/1089-2680.6.2.139. http://www.apa.org/monitor/julaug02/eminent.aspx. 
  6. Olson, M. H.; Hergenhahn, B. R. (2009). An Introduction to Theories of Learning (8th ed.). Upper Saddle River, NJ: Prentice Hall. pp. 201–203. 
  7. Dougher, Michael J. (August 1, 1999). Clinical Behavior Analysis. https://www.amazon.com/Clinical-Behavior-Analysis-Michael-Dougher/dp/1878978381. Hinango noong April 1, 2018. 
Maling banggit (Ang tatak na <ref> na may pangalang "springer-asteroid-crater" na binigyang kahulugan sa <references> ay hindi ginamit sa naunang teksto.); $2