Pumunta sa nilalaman

Ivo Josipović

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ivo Josipovic)
Ivo Josipovic
Josipović noong Agosto 2011
Pangulo ng Croatia
Nasa puwesto
19 Pebrero 2010 – 18 Pebrero 2015
Punong MinistroJadranka Kosor
Zoran Milanović
Nakaraang sinundanStjepan Mesić
Sinundan niKolinda Grabar-Kitarović
Kasapi ng Parlamento
Nasa puwesto
22 December 2003 – 18 February 2010
KonstityuwensyaI distritong elektoral
Personal na detalye
Isinilang (1957-08-28) 28 Agosto 1957 (edad 67)
Zagreb, Yugoslavia (ngayo'y Croatia)
Partidong pampolitikaIndependiyente (2010–kasalukuyan)
Ibang ugnayang
pampolitika
League of Communists (Bago mag-1990)
Social Democratic Party (1990–2010)
AsawaTatjana Josipovic
Alma materUnibersidad ng Zagreb
PropesyonPropesor
Manananggol
Musician
WebsitioOpisyal na websayt

Ivo Josipović [ˈiːʋɔ ˈjɔsiːpoʋitɕ] (ipinanganak 28 Agosto 1957) ay isang politikong, propesor sa unibersidad, manananggol, musikero at komposer na Croatian. Nagsilbi siya bilang kasapi ng Parlamento ng Croatia para sa Social Democratic Party ng Croatia (SDP) at noong Pebrero 2010, nahalal na pangulo nito.[1][2][3]

Noong 27 Disyembre 2009 nanalo si Josipović nang mas maraming boto kumpara sa kanyang labing-isang katunggali (32.4%). Subalit hindi naman niya nakuha ang mayorya para agarang manalo sa halalan. Noong 10 Enero 2010, nakalaban niya ang independiyenteng kandidato na si Milan Bandic sa isang run-off. Nakakuha si Bandic ng 14.8% ng mga boto sa unang yugto, para makuha ang pangalawang pwesto sa labindalawang kandidato.

Mula sa pagiging hindi kilala nakuha ni Ivo Josipovic ang pinakamaraming boto noong halalan. Ikinakampanya niya ang Nova Pravednost (Bagong Hustisya), na nananawagan para sa bagong panlipunan at legal na balangkas para harapin ang hindi pantay na hustisya, korapsiyon at mga organisadong krimen kinakaharap ng bansa sa ngayon. Kasama na rito ang proteksiyon ng karapatan ng bawat isa at ang pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, karapatang pangtao, hustisya, kasipagan, panlipunan pakikiramay at pagkamalikhain.[4]

Kasal siya kay Tatjana, isang propesor ng batas sibil at ekspertong legal.[5] They have one daughter, Lana (born c. 1991).[5][6]

Buhay, edukasyon at karerang propesyunal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga magulang ni Ivo Josipović ay taal mula sa Baška Voda sa Dalmatia. Subalit si Josipovic ay isinilang sa Zagreb, kung saan siya pumasok sa elementarya at mataas na paaralan para sa musika. Bilang tin-edyer nakita siya bilang mahusay na manlalaro ng putbol.[7]

Nag-aral si Ivo Josipović sa Faculty of Law ng Unibersidad ng Zagreb, kung saan siya nagtapos noong 1980 at pumasa ng bar examination. Natapos niya ang kanyang M.A. sa Criminal Law noong 1985 at ang kanyang PhD sa Criminal Sciences noong 1994. Nagsimula siya bilang isang lecturer sa parehas ding paaralan noong 1984, at simula noo'y naging propesor ng Criminal Procedure Law, International Crime Law at Misdemeanour Law.[6]

Taong 1980 naging kasapi si Ivo Josipović ng Liga ng mga Komunista ng Croatia. Malaki ang naging papel niya sa pagbabagong demokratiko ng partidong ito bilang may-akda ng unang batas ng Social Democratic Party ng Croatia (SDP). Taong 1994, iniwan niya ang politika, ang SDP at tinuon niya ang pansin sa batas at musika. At sa imbitasyon ni Ivica Racan na noo'y Punong Ministro, muli siyang bumalik sa politika noong 2003, at naging independiyenteng KP kasama ang SDP at Pangalawang Pangulo ng lupon ng mga kinatawan ng SDP sa Parlamento ng Croatia. Sa kasagsagan ng kanyang mandato noong 2005, siya rin ay kinatawan sa Asambleya ng Lungsod ng Zagreb. Taong 2007, muli siyang nahalal sa Parlamento ng Croatia. Pormal siyang sumali ulit sa SDP noong 2008, at noong 12 Hulyo 2009 nahalal siya ng partido bilang opisyal na kandidato sa pagkapangulo.[6]

Bilang KP naging parte siya ng iba't-ibang komite ng parlamento na tumatalakay sa mga katanunanga lehislatibo, hudikatura at pang-saligang-batas, gayundin ang pagbibigay depenisyon sa mga kautusan sa parlamento at ng sistema ng politika.[6]

Halalan para sa Pangulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Noong 20 Hunyo 2009, nanomina si Josipović bilang isa sa mga opisyal na kandidato ng SDP para sa halalan sa 2010.[8] He won in a primary against Ljubo Jurcic on 12 July, becoming the party´s official candidate.
  • Noong 27 Disyembre 2009, napanalunan ni Josipović ang unang yugto ng halalan sa pagkapangulo na may 32.42% ng mga boto. Nakaharap niya si Milan Bandic (runner-up na may 14.83%) sa ikalawang yugto noong 10 Enero 2010.
  • Noong 10 Enero 2010 nahalal siya bilang ikatlong pangulo ng Croatia na may 60.26% ng mga boto (pansamantalang bilang), tinalo niya si Milan Bandic sa ikalawang yugto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Josipovic: Hvala na cestitkama! Strpimo se još malo", Jutarnji list (sa wikang Kroato), 11 Enero 2010, inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2016, nakuha noong 11 Enero 2010{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ivo Josipovic treci hrvatski predsjednik, HRT, 11 Enero 2010{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link). (sa Kroata)
  3. Social Democrat Ivo Josipovic elected Croatia president, BBC News, 11 Enero 2010{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  4. "Bagong Hustisya" / Main campaign page
  5. 5.0 5.1 Ožegović, Nina (14 Abril 2009). "Ivo Josipovic – presidential ambitions of an avant-garde composer". Nacional (700). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-25. Nakuha noong 2009-12-31.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 Ivo Josipovic. "Resume" (PDF). Main campaign page.
  7. Šetka, Diana (20 Agosto 2009). "IVO I TATJANA JOSIPOVIC: Naših dvadeset godina ljubavi". Gloria (sa wikang Kroato) (763). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-19. Nakuha noong 2009-12-31.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "12. srpnja: Jurcic ili Josipovic?". sdp.hr. Social Democratic Party of Croatia. 20 Hunyo 2009. Nakuha noong 2009-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Stjepan Mesić
Pangulo ng Croatia
2010–2015
Susunod:
Kolinda Grabar-Kitarović