Pumunta sa nilalaman

Iwanuma

Mga koordinado: 38°06′15.4″N 140°52′12.6″E / 38.104278°N 140.870167°E / 38.104278; 140.870167
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Iwanuma, Miyagi)
Iwanuma

岩沼市
Paikot sa kanan mula sa itaas: Pook urbano ng Iwanuma; Dambana ng Kanehebisui; Estasyon ng Iwanuma; Gusaling Panlungsod ng Iwanuma; Pista ng Dontosai; Dambana ng Takekoma Inari
Watawat ng Iwanuma
Watawat
Opisyal na sagisag ng Iwanuma
Sagisag
Kinaroroonan ng Iwanuma sa Prepektura ng Miyagi
Kinaroroonan ng Iwanuma sa Prepektura ng Miyagi
Iwanuma is located in Japan
Iwanuma
Iwanuma
 
Mga koordinado: 38°06′15.4″N 140°52′12.6″E / 38.104278°N 140.870167°E / 38.104278; 140.870167
Bansa Hapon
RehiyonTōhoku
PrepekturaMiyagi
Pamahalaan
 • AlkaldeTsuneaki Iguchi
Lawak
 • Kabuuan60.45 km2 (23.34 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Mayo 31, 2020)
 • Kabuuan43,946
 • Kapal730/km2 (1,900/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoJapanese Black Pine
- BulaklakAzalea
- IbonBako
Bilang pantawag0223-22-1111
Adres1-6-20 Sakura, Iwanuma-shi, Miyagi-ken 989-2480
WebsaytOpisyal na websayt

Ang Iwanuma (岩沼市, Iwanuma-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Miyagi, Hapon. Magmula noong 31 Marso 2020 (2020 -03-31), may tinatayang populasyon ito na 43,946 katao sa 18,062 mga kabahayan[1], at daming 730 tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 60.45 square kilometre (23.34 mi kuw). Ang Iwanuma ay nasa sangandaan ng dalawang sinaunang mga daan, ang Tōkaidō at ang Rikuzen-Hama Kaidō.

Bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Mutsu ang lugar ng kasalukuyang Iwanuma, at ipinalalagay na itinatag ang Dambana ng Takekoma Inari noong 842 P.K.. Lumitaw ang pagbanggit sa "Kastilyo ng Iwanuma" sa unang mga papeles noong panahong Muromachi. Napunta sa kapangyarihan ng angkang Date ng Dominyong Sendai ang lugar noong panahong Edo, sa ilalim ng kasugunang Tokugawa. Itinatag ang bayan ng Iwanuma noong Hunyo 1, 1889 kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad.

Sinanib sa Iwanuma ang nayon ng Okuma noong Enero 11, 1947, at kasunod nito ang Sengan at Tamaura noong Abril 1, 1955. Itinaas sa katayuang panlungsod ang Iwanuma noong Nobyembre 1, 1971.

Lubhang napinsala ang lungsod ng tsunami buhat sa lindol noong 2011,[2] na ikinasawi ng 180 katao.

Ang Iwanuma ay nasa gitnang-silangang bahagi ng Prepektura ng Miyagi, at hinahangganan ng Karagatang Pasipiko sa silangan. Ito ay nasa wawa ng Ilog Abukuma.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Prepektura ng Miyagi

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] lumalaki ang populasyon ng Iwanuma sa nakalipas na 40 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1920 15,428—    
1930 17,524+13.6%
1940 18,490+5.5%
1950 25,303+36.8%
1960 26,452+4.5%
1970 29,822+12.7%
1980 34,910+17.1%
1990 38,091+9.1%
2000 41,407+8.7%
2010 44,187+6.7%

Sister city relations

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Estados UnidosNapa, California, Estados Unidos – mula noong Pebrero 15, 1973 .[4]
  • Estados UnidosDover, Delaware, Estados Unidos – magkakasundong lungsod mula noong 2003
  • HaponNankoku, Kōchi, Hapon – mula noong Hulyo 23, 1973
  • HaponObanazawa, Yamagata, Hapon – mula noong November 7, 1999

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Iwanuma city official statistics(sa Hapones)
  2. http://www2.macleans.ca/2011/03/11/photo-gallery-devastation-after-earthquake-in-japan/a-massive-tsunami-hits-the-coastal-areas-of-iwanuma-miyagi-prefecture-northeastern-japan/ Naka-arkibo 2011-03-15 sa Wayback Machine. Massive tsunami hits Iwanuma
  3. Iwanuma population statistics
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-21. Nakuha noong 2020-07-23.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kaugnay na midya ang Iwanuma, Miyagi sa Wikimedia Commons