Pumunta sa nilalaman

J/ψ meson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
J/ψ
Komposisyoncc
EstadistikaBosoniko
Mga interaksiyonMalaks na interaksiyon, Mahinang interaksiyon, Elektromagnetismo, Grabidad
SimboloJ/ψ
AntipartikuloSarili
NatuklasanSLAC : Burton Richter et al. (1974)
BNL : Samuel Ting et al. (1974)
Masa5.5208×10−27 kg
3.096916 GeV/c2
Elektrikong kargae
C
Ikot1

Ang J/ψ ay isang subatomikong partikulo at isang lasang-neutral na meson na binubuo ng isang charm quark, at isang charm antiquark. Ang mga meson na binubuo ng nakatakdang estado ng isang charm quark at isang charm antiquark ay pangkalahatangb kilala bilang "charmonium". Ang J/ψ ang unang pinanabik na estado(excited state) ng charmonium(i.e., ang anyo ng charmonium na may ikalawang pinakamaliit na masa ng pagpapahinga). Ang J/ψ ay may masa ng pagpapahinga na 3096.9 MeV/c2 at isang mean na panahon ng buhay na 7.2×10−21 s. Ang panahon ng buhay na ito ay mga libong beses na mas mahaba sa inaasahan.

Ang pagkakatuklas nito ay independiyenteng ginawa ng dalawang pangkat ng pagsasaliksik na ang isa ay sa Stanford Linear Accelerator Center na pinamunuan ni Burton Richter at ang isa ay sa Brookhaven National Laboratory na pinamunuan ni Samuel Ting ng MIT. Natuklasan ng mga ito na aktuwal nilang natagpuan ang parehong partikulo at ang parehong ito ay naghayag ng kanilang mga pagkakatuklas noong 11 Nobyembre 1974. Ang kahalagahan ng pagkakatuklas na ito ay binigyang diin ng katotohanan na ang kalaunang mabilis na pagbabago sa pisikang mataas na enerhiya sa panahong ito ay sama samang tinawag na "Himagsikang Nobyembre". Sina Richter at Ting ay ginawaran ng Gantimpalang Nobel noong 1976 sa kanilang magkasalong pagkakatuklas.