Boson

Sa pisika ng partikulo, ang mga boson ang mga subatomikong partikulo na sumusunod sa estadistikang Bose-Einstein. Ang ilan sa mga boson ay maaaring sumakop sa parehong estadong quantum. Ang salitang boson ay hango sa pisikong Indian na si Satyendra Nath Bose.