Higgsino
Sa partikulong pisika, ang isang Higgsino na may simbolong H͂ ang hipotetikal na superpartner ng Higgs boson gaya ng hinulaan ng supersymmetriya. Ang Higgsino ay isang Dirac fermion at isang mahinang isodoublet na may hyperkargang kalahati sa ilalim ng Pamantayang Modelong mga gauge na symmetriya. Pagkatapos ng pagkasira elektroweak na symmetriya, ang Higgsino ay nagiging isang pares ng neutral na Majorana fermion na tinatawag na neutralino at isang may kargang Dirac fermion na tinatawag na chargino(plus at minus). Ang mga estadong ito ay sa huli naghahalo sa mga neutralino(photino at zino) at chargino(may kargang zino plus at minus)) na nagreresulta mula sa pagkasira ng electroweak na symmetriya ng bino at wino 0, 1, 2 upang bumuo ng hinulaang mga partikulo na apat na neutralino at dalawang chargino(plus at minus bawat isa). Ang gayong linyar na kombinasyon ng Higgsino, bino at wino ay bumubuo ng pinakamagaang supersymmetrikong partikulo(LSP) na isang kandidato ng partikulong pisika para sa materyang madilim ng uniberso. Upang maging gayong kandidator, ito ay dapat neutral (i.e. isang neutralino kesa chargino).