Gluino
Ang gluino (symbol g͂) ay isang hipotetikal na supersymmetrikong partner ng gluon. Ang mga gluino ay inaasan ng mga teorista ng supersymmetriya na nilikhang pareas sa akselerador ng partiklulo gaya ng Large Hadron Collider kung ang mga ito ay umiiral.
Sa mga teoriyang supersymmetriko, ang mga gluino ay Majorana fermion at nakikipagugnayan sa pamamagitan ng malakas na interaksiyon bilang isang kulay octet.[1] Ang mga gluino ay may lepton na bilang 0, baryon na bilang 0, at ikot na 1/2.
Ang mga gluino ay nabubulok sa pamamagitan ng malakas na interaksiyon tungo sa squark at isang quark sa kondisyon ang mga angkop na ugnayang masa ay nasapatan. Ang squark ay kalaunang nabubulok sa isa pang quark at ang pinakamagaang supersymmetrikong partikulo, ang Pinakamagaang Supersymmetrikong Partikulo(na lumilisan sa detektor ng hindi nakikita). Ito ay nangangahulugang ang isang tipikal na signal para sa gluino sa isang hadron collider ay mga apat na jet na dinagdagan ng nawawalang enerhiya.
Gayunpaman, kung ang mga gluino ay mas magaan sa mga squark, ang 3-katawang pagkabulok ng gluino tungo sa neutralino at isang quark na antiquark ay kinematikal na makukuha sa pamamagitan ng off-shell na squark.