Gaugino
Sa partikulong pisika, ang isang gaugino ay isang hipotetikal na superpartner ng gauge field gaya ng hinuhulan ng teoriyang gauge kasama ng supersymmetriya. Ang mga ito ay mga fermion.
Sa minimal na supersymmetrikong ekstensiyon ng Pamantayang Modelo, ang mga sumusunod na gaugino ay umiiral:
- Ang gluino(symbol g͂) ang superpartner ng gluon at kaya nagdadala ng kargang kulay
- Ang gravitino(symbol G͂) ang supersymmetrikong partner ng graviton.
- Ang mga wino (symbol W͂±) at ang zino (symbol Z͂0) ang mga superpartner ng mga Boson na W at Z ng SU(2)L na mga gauge field.
- Ang bino ang superpartner ng U(1) na gauge field na tumutugon sa mahinang hyperkarga(weak hypercharge).
Ang mga gaugino ay humahalo sa mga higgsino na mga superpartner ng digri ng kalayaan ng Higgs field upang bumuo ng mga linyar na kombinasyon("masang eigenstado") na tiantawag na mga neutralino(elektrikong neutral) at chargino(elektrikong kargado). Sa maraming mga modelo, ang pinakamagaang neutralino na minsang tinatawag na photino ay matatag. Sa kasongito, ito ay isang Mahinang nakikipagugnayang masibong mga partikulo(Weakly interacting massive particles o WIMP) at isang kandidator ng materyang madilim.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- G. Bertone, D. Hooper, J. Silk (2005). "Particle Dark Matter: Evidence, Candidates and Constraints". Physics Reports. 405: 279–390. arXiv:hep-ph/0404175. Bibcode:2005PhR...405..279B. doi:10.1016/j.physrep.2004.08.031.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)