Pumunta sa nilalaman

Jack and the Beanstalk

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang "Jack and the Beanstalk" (Jack at ang Tangkay ng Patani) ay isang Ingles na kuwentong bibit. Ito ay lumitaw bilang "The Story of Jack Spriggins and the Enchanted Bean" (Ang Kuwento ni Jack Spriggins at ang Mahiwagang Patani) noong 1734[1] at bilang moralisado ni Benjamin Tabart "The History of Jack and the Bean-Stalk" noong 1807.[2] Si Henry Cole, na naglathala sa ilalim ng pangalan ng panulat na Felix Summerly, ay nagpasikat sa kuwento sa The Home Treasury (1845),[3] at muling isinulat ito ni Joseph Jacobs sa English Fairy Tales (1890).[4] Ang bersiyon ni Jacobs ay kadalasang inilalathala ngayon, at pinaniniwalaang mas malapit sa mga oral na bersiyon kaysa kay Tabart dahil kulang ito sa pagmomoralisa.[5]

Ang "Jack and the Beanstalk" ay ang pinakakilala sa "Jack tales", isang serye ng mga kuwento na nagtatampok sa arketipong Korniko at Ingles na bayani at pangkaraniwang tauhan na si Jack.[6]

Ayon sa mga mananaliksik sa Unibersidad ng Durham at Universidade Nova de Lisboa, ang kuwento ay nagmula higit sa limang millennia na ang nakalipas, batay sa isang malawak na kumalat na makalumang anyo ng kuwento na ngayon ay inuri ng mga folklorista bilang ATU 328 The Boy Who Stole Ogre's Treasure.[7]

Mga pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang "The Story of Jack Spriggins and the Enchanted Bean" ay inilathala sa London ni J. Roberts noong 1734 na ikalawang edisyon ng Round About Our Coal-Fire.[8] Noong 1807, inilathala ng Ingles na manunulat na si Benjamin Tabart ang The History of Jack and the Bean Stalk, posibleng aktuwal na pamatnugot ni William at/o Mary Jane Godwin.[9]

Ang kuwento ay mas matanda kaysa sa mga kuwentong ito. Ayon sa mga mananaliksik sa Unibersidad ng Durham at sa Universidade Nova de Lisboa, ang uri ng kuwento (AT 328, The Boy Steals Ogre's Treasure) kung saan kabilang ang kuwento ni Jack ay maaaring may pinagmulang wikang Proto-Indo-Europeo (PIE) (kaparehong kuwento mayroon ding mga pagkakabi ng Proto-Indo-Irani),[10] at kaya iniisip ng ilan na ang kuwento ay nagmula sa millennia na nakalipas (4500 BK hanggang 2500 BK).[11]

Sa ilang mga bersiyon ng kuwento, ang higante ay hindi pinangalanan, ngunit maraming mga dula batay dito ang nagpangalan sa kanya ng Blunderbore (isang higante ng pangalang iyon ay lumilitaw sa ika-18 siglong kuwento na "Jack the Giant Killer"). Sa "The Story of Jack Spriggins" ang higante ay pinangalanang Gogmagog[12]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Round About Our Coal Fire, or Christmas Entertainments. J.Roberts. 1734. pp. 35–48.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) 4th edition On Commons
  2. Tabart, The History of Jack and the Bean-Stalk. in 1807 introduces a new character, a fairy who explains the moral of the tale to Jack (Matthew Orville Grenby, "Tame fairies make good teachers: the popularity of early British fairy tales", The Lion and the Unicorn 30.1 (January 20201–24).
  3. In 1842 and 1844 Elizabeth Rigby, Lady Eastlake, reviewed children's books for the Quarterly "The House [sic] Treasury, by Felix Summerly, including The Traditional Nursery Songs of England, Beauty and the Beast, Jack and the Beanstalk, and other old friends, all charmingly done and beautifully illustrated." (noted by Geoffrey Summerfield, "The Making of The Home Treasury", Children's Literature 8 (1980:35–52).
  4. Joseph Jacobs (1890). English Fairy Tales. London: David Nutt. pp. 59–67, 233.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Maria Tatar, The Annotated Classic Fairy Tales, p. 132. ISBN 0-393-05163-3
  6. "The Folklore Tradition of Jack Tales". The Center for Children's Books. Graduate School of Library and Information Science University of Illinois at Urbana-Champaign. 15 Ene 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2014. Nakuha noong 11 Hunyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. BBC. "Fairy tale origins thousands of years old, researchers say". BBC News. BBC. Nakuha noong 20 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Round About Our Coal Fire, or Christmas Entertainments. J.Roberts. 1734. pp. 35–48.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) 4th edition On Commons
  9. Anon., The History of Jack and the Bean-Stalk, at The Hockliffe Project. Naka-arkibo 26 April 2009 sa Wayback Machine.
  10. Silva, Sara; Tehrani, Jamshid (2016), "Comparative phylogenetic analyses uncover the ancient roots of Indo-European folktales", Royal Society Open Science, 3 (1): 150645, Bibcode:2016RSOS....350645D, doi:10.1098/rsos.150645, PMC 4736946, PMID 26909191{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. BBC. "Fairy tale origins thousands of years old, researchers say". BBC News. BBC. Nakuha noong 20 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. The Oxford Companion to Children's Literature. Oxford University Press. 2015. p. 305.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)