Pumunta sa nilalaman

Jackie Robinson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Jackie Robinson.

Si Jack Roosevelt "Jackie" Robinson (Enero 31, 1919 – Oktubre 24, 1972) ay ang unang Aprikanong Amerikanong manlalaro sa Pangunahing Liga ng Beysbol ng makabagong panahon.[1] Bagaman hindi siya ang unang Aprikanong Amerikanong dalubhasang manlalaro ng beysbol sa kasaysayan ng Estados Unidos, ang pagpapakilala sa kanya sa Pangunahing Liga ng 1947 bilang bahagi ng Brooklyn Dodgers ang nagbigay ng wakas sa 60 mga taon ng segregasyon o paghihiwalay ng mga lahi, partikular na ang itim at puti, sa Estados Unidos, at bumuwag sa linya o harang ng mga kulay ng balat sa larangan ng beysbol.[2] Sa panahong iyon, maraming mga puting tao ang naniniwalang dapat na manatiling magkahiwalay sa maraming bahagi at bagay sa pamumuhay ang mga itim at mga puti, kabilang na ang palakasan o isports.[3] Sa kabila ng balakid na ito, nagpatuloy si Robinson sa pagkakaroon ng isang katangitanging karera sa beysbol.

  1. Rothe, Anna, patnugot. (1948). Current Biography, Who's News and Why 1947. New York: H.W. Wilson Co. p. 544.
  2. Loewen, James (1995). Lies My Teacher Told Me. New York: Simon & Schuster. p. 163. ISBN 9781565841000.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Wormser, Richard (2002). "Jackie Robinson". Public Broadcasting Service. Nakuha noong 2008-10-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.