Pumunta sa nilalaman

Jahangir

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Nur-ud-din Muhammad Salim[1] (Persa: نورالدین محمد سلیم), kilala sa kanyang pangalang imperyal na Jahangir (Persa: جهانگیر) (31 Agosto 1569 – 28 Oktubre 1627),[2] ay ang ikaapat na Emperador ng Imperyong Mughal, na naghari mula 1605 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1627. Nangangahulugan ang kanyang pangalang Imperyal (sa Persa) bilang 'mananakop ng mundo' (Jahan: mundo; gir: ang salitang-ugat ng pandiwang Persa na gereftan: sakupin, samsamin).

Ang kapanganakan ni Prinsipe Salim, si Jahangir sa hinaharap

Si Prince Salim, Jahangir sa kalaunan, ay ipinanganak noong Agosto 31, 1569, kay Akbar at sa kanyang paboritong konsorte,[3] si Mariam-uz-Zamani, anak ni Raja Bharmal ng Amber sa Fatehpur Sikri.[4] Namatay ang mga nakaraang anak ni Akbar noong sanggol pa lamang ang mga ito at hiningi ang pagbabasbas ng mga banal na tao upang magkaroon siya ng lalaking anak. Pinangalanan si Salim para sa isang ganoong tao, si Shaikh Salim Chisti.[4][5] Lumaki si Salim na matatas sa wikang Persa at premodernong Hindi, na may isang "kagalang-galang" na kaalaman ng wikang Turko, ang sinaunang wika ng Mughal.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Singh, Pashaura; Fenech, Louis E., mga pat. (2014). The Oxford handbook of Sikh studies (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 647. ISBN 978-0-19-969930-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Jahāngīr". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hulyo 2018. Nakuha noong 2 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Hindu Shah, Muhammad Qasim. Gulshan-I-Ibrahimi (sa wikang Ingles). p. 223.
  4. 4.0 4.1 Jahangir (1909–1914). The Tūzuk-i-Jahangīrī Or Memoirs Of Jahāngīr (sa wikang Ingles). Sinalin ni Alexander Rogers; Henry Beveridge. London: Royal Asiatic Society. p. 1. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2016. Nakuha noong 19 Nobyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Eraly, Abraham (2000). Emperors of the Peacock Throne: The Saga of the Great Mughals (sa wikang Ingles). Penguin Books India. p. 171. ISBN 978-0-14-100143-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Asher, Catherine B. (1992-09-24). Architecture of Mughal India (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 99. ISBN 978-0-521-26728-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)