Pumunta sa nilalaman

Jaime An Lim

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jaime An Lim
Trabahomanunulat

Si Jaime An Lim ay isinilang noong 7 Enero 1946. Isa siyang makata, mananaysay at kuwentista. Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Arts in English noong 1968 sa Mindanao State University (MSU).

Nagtungo siya sa Estados Unidos noong 1980 at tinapos ang digring Master of Arts in Comparative Literature, Master of Arts in Education at ang Doctor of Philosophy in Literature sa Indiana University sa Bloomington.

Ilan sa mahahalagang bunga ng kanyang panulat ay: Puna sa Noh Me Tangere ni Rizal; Sanaysay sa Pamumuna sa Akda ni Bienvenido Santos na The Man Who Likes Robert Taylor, Sanaysay Tungkol sa Poon ni F. Sionel; sanaysay tungkol sa mga nobela nina Maximo Kalaw, Jaime Laya, Steven Javellana, Edilberto Tiempo at Wilfredo Nollado na siyang nilalaman ng kanyang aklat na pinamagatang Literature and Politics: The Colonial Experience in nine Philippine Novels noong 1993.

Ang kanyang mga akdang nagtamo ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ay The Liberation of Mrs. Fidele Magsilang, isang maikling kuwento (1973); The Changing of the Guard: Three Critical Essays (1989); Yasmin, isang tula (1990); The AXOLATL Colony, maikling kuwentong pambata (1993).

Sa Indiana University ay nakuha niya ang gantimpalang Academy of American Poets noong 1981. Tutungi Award noong 1983; at ang Ellis Literary Award noong 1984.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.