Jaime Castellvi
Si Jaime Castellví ay naging artista noong panahon ng Silent Movie at muling nagbalik noong huling dekada 30s.
Si Jaime ay ipinanganak noong 1914 at siya ang ama ng guwapong si Romano Castellvi na sumikat naman noong dekada 60s.
Una siyang lumabas sa dramang Luha at nakagawa ng pelikula sa ilallim ng Filippine Pictures ang Dona Clara. Gumawa rin siya ng isa sa Parlatone Hispano-Filipino ang Kataksilan bago napunta sa mga pelikula ng Sampaguita Pictures.
Sa Ilalim ng Sampaguita ginawa niya ang Senorita at Lambingan ni Carmen Rosales, Magbalik ka, Hirang at Panambitan na parehong Musikal ang tema ng pelikula.
Nagbalik pelikula noong 1946 pagkatapos ng giyera at ito ay ang Musikal na pelikulang Doon Po sa Amin bago tuluyang mamalagi sa LVN Pictures kung saan napako siya sa mga papel ng isang kontrabida.
Taong 1950 ng magbalik bakuran siya sa Sampaguita Pictures at ito na rin ang huling pelikula niya bago siya namatay ito ay ang Huling Patak ng Dugo nina Oscar Moreno at Alicia Vergel.
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1932 – Luha
- 1938 - Doña Clara
- 1939 - Kataksilan
- 1940 - Senorita
- 1940 - Magbalik Ka, Hirang
- 1940 - Lambingan
- 1940 - Alitaptap
- 1941 - Panambitan
- 1942 - Caballero
- 1946 - Garrison 13
- 1946 - Doon Po sa Amin
- 1947 - Ang Himala ng Birhen sa Antipolo
- 1947 - Violeta
- 1948 - Krus na Bituin
- 1949 - Parola
- 1949 - Gitano
- 1949 - Tambol Mayor
- 1949 - Prinsesa Basahan
- 1949 - Camelia
- 1949 - Hen. Gregorio del Pilar
- 1950 - Tubig na Hinugasan
- 1950 - Huling Patak ng Dugo
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.