Jacob Grimm
| Jacob Grimm | |
|---|---|
| Kapanganakan | Jacob Ludwig Carl Grimm 4 Enero 1785 Hanau, Hesse-Kassel, HRE |
| Kamatayan | 20 Setyembre 1863 (edad 78) Berlin, Prusya |
Si Jacob Ludwig Carl Grimm, nakikilala rin bilang Jacob Grimm o Jacob Carl[1] (na ang Jacob ay binabaybay din bilang Jakob; samantalang ang Carl ay binabaybay din bilang Karl;[a] 4 Enero 1785 – 20 Setyembre 1863), ay isang Aleman na pilologo, hurista (dalubhasa sa batas), at mitologo. Pinaka nakikilala siya bilang ang tagapagtuklas ng Batas ni Grimm (sa larangan ng lingguwistika), bilang may-akda (kasama ang kaniyang kapatid na lalaking si Wilhelm Grimm) ng mahalagang akdang Deutsches Wörterbuch, bilang may-akda ng Deutsche Mythologie (Mitolohiyang Aleman), at, mas kilala pa, bilang isa sa Magkapatid na Grimm, bilang patnugot ng Grimm's Fairy Tales (Mga Kuwentong-Bibit ni Grimm).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Jacob Carl". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., WHO MADE THE FIRST COLLECTIONS OF FAIRY TALES?, pahina 76.
![]()
![]()
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Alemanya at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.