Pumunta sa nilalaman

Jakub Józef Orliński

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jakub Józef Orliński
Kapanganakan (1990-12-08) 8 Disyembre 1990 (edad 34)
Varsovia, Polonya
NasyonalidadPolako
NagtaposChopin University of Music
Juilliard School
TrabahoOperatikong contratenor
Websitejakubjozeforlinski.com

Jakub Józef Orliński (ipinanganak ng 8 Disyembre 1990 sa Varsovia) operatikong mang-aawit na contratenor mula sa Polonya.

Pag-aaral at Karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matapos kumanta sa koro bilang bata, bilang binata, sumali si Orliński sa isang grupong musikero na binubuo ng siyam na lalake. Dito, siya ay piniling umawit ng mga parteng contratenor sa ilang tugtuging Renaissance.[1] Naging tagahanga rin siya ng King's Singers na nagbigay inspirasyon sa kanya na ipagpatuloy ang kanyang interes sa genre na ito.[1] Sinimulan niya ang kanyang karera sa Gregorianum, isang korong binubuo ng mga lalake, na pingungunahan ni Berenika Jozajtis, na nakasama niyang mag-tanghal sa Polonya at sa ibang bansa.[2] Siya ay nagtapos sa Fryderyk Chopin University of Music.[3] Sa panahon ng kanyang pag-aaral, sumali siya sa ilang mga palabas na inayos ng Fryderyk Chopin University of Music at ng Aleksander Zelwerowicz National Academy of Dramatic Art. Mula noong 2012, naging miyembro siya ng Opera Academy of the Grand Theatre in Warsaw, at mula doong 2015 hanggang 2017 nag-aral siya sa Juilliard School kasama si Edith Wiens.[4] Sa Polonya, siya ang gumanap sa papel ni Kupido sa Venus and Adonis ni Blow at ni Narciso sa 'Agrippina ni Handel. Sa kanyang pananatili sa Alemanya, siya ang gumanap sa papel ni Ruggiero sa Alcina ni Handel sa Aachen at Cottbus,[5] at tinanghal ang mga piling kanta ni Purcell sa Leipzig Opera.

Siya ay nakapagtanghal sa Carnegie Hall at pati na rin sa Alice Tully Hall at Lincoln Center for the Performing Arts sa New York kung saan siya ay nakatanggap ng positibong mga panunuri mula sa The New York Times.[6] Isinama sa kanyang mga pagtanghal ang Messiah ni Handel. Sa tulong ng Musica Sacra at Oratorio Society of New York.[7] Nakapagtanghal din siya sa Flight ni Jonathan Dove kasama ang Juilliard Opera. Noong 2017, umawit siya sa pagganap kay Ottone sa Agrippina ni Handel sa La Serenissima: Music and Arts From the Venetian Republic ng Carnegie Hall. Nakilahok siya sa Pistang Handel ng Karlsruhe kung saan ay inawit niya ang 'Nisi Dominus' ni Vivaldi at mga sipi mula sa Dixit Dominus ni Handel. Sa iyon ding taon, ginawa niya ang kanyang debut appearance sa Festival d'Aix-en-Provence sa opera na Erismena ni Cavalli.[8] Siya ay nag debut sa 2017/18 na season ng Frankfurt Opera bilang ang titulong tauhan sa Rinaldo ni Handel.[9] Noong 2019, dahil sa pag-aanyayang magtanghal sa Eustazio para sa produksyon ng Glyndebourne Opera sa Rinaldo, siya ay inanyayahan noong dalawang linggo nang nag-eensayo na kunin ang titulong papel.[1][10][11]

Ang debut solo album ni Orliński, Anima Sacra, ay inilabas sa Erato label sa 26 Oktubre 2018, na may musika ng orkestrang Il Pomo d'Oro na cinduct ni Maxim Emelyanychev. Binubuo ito ng mga ariang Baroque ng iba't ibang kompositor mula sa Neapolitan School, kasama sa inakalang unang makamundong pagrerekord ng walong gawa.[12][13]

Noong 2019, napanalunan niya ang gantimpalang kultural ng O!Lśnienie na iprinesenta ng Onet at ng siyudad ng Kraków sa kategorya ng klasikong musika at jazz.[14] Noong Oktubre taong 2019, napanalunan niya ang Gramophone Classical Music Award sa kategorya ng Young Artist of the Year.[15] Noong 2020, natanggap niya angPaszport Polityki Award na kada taong pinepresenta ng Polityka sa kategorya ng klasikong musika.[16]

Ang kanyang pangalawang album na 'Facce d'amore' (FaCHe) , na naglalaman nang "isang napiling mabuting malawak na koleksyon para sa mararaming mulha ng pag-ibig " mula sa mga opara nina Cavalli, Boretti, Bononcini, Scarlatti, Handel, Predieri, Matteis at Conti, ay umudyok sa taga-suring si Brian Robins na purihin ang kanyang "talento bilang mangaawit na dramatiko" at ang kanyang mga ornamentation, na nagbubuod sa kanyang "malamig na boses".[17]

Noong Septyembre taong 2020, natanggap niya ang titulong Best Singer of the Year sa Berlin na iginawad ng mga mambabasa ng pahayagang Opernwelt.[18]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Orliński ay isang kampeong break-dancer at isang miyembro ng samahang breakdancing, ang Skill Fanatikz Crew.[19][20] Nag-modelo na rin siya para sa mga fashion brands tulad ng Nike at Levi's.[21]

Mga Gantimpala

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Dan Cairns. Baroque and roll star. The Sunday Times – Culture supplement, 11 August 2019, p14-15.
  2. "Koncert Sławecki/Szelazek/Orliński". Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Mayo 2018. Nakuha noong 19 Mayo 2018. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Jakub Józef Orliński. Kontratenor, który podbija świat". Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Hunyo 2018. Nakuha noong 19 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Jakub Józef Orliński". Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Mayo 2018. Nakuha noong 19 Mayo 2018. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "In the wings with Jakub Józef Orliński, countertenor. A diva in spite of himself?". Nakuha noong 19 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Hyper-High Notes: The Week's 8 Best Classical Music Moments on YouTube – Florid and Fast". Nakuha noong 11 Oktubre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Jakub Józef Orliński – Najlepiej czuję się w muzyce baroku". Nakuha noong 19 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "A Millennial Countertenor's Pop-Star Appeal". Nakuha noong 18 Hulyo 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Jakub Józef Orliński – Biography". warnerclassics.com. Nakuha noong 19 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Breakdancing opera singer steps in as Glyndebourne leading lady pulls out". Nakuha noong 19 Oktubre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Jakub Jozef Orlinski interview: opera's baroque'n'roll Glyndebourne star". Nakuha noong 19 Oktubre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Jakub Józef Orliński Announces First Solo Album". operawire.com. Nakuha noong 24 Disyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Jakub Józef Orliński – Releases – Anima Sacra". warnerclassics.com. Nakuha noong 24 Disyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Znamy zwycięzców plebiscytu O!Lśnienia 2018! Wojciech Smarzowski O!Lśnieniem roku". Nakuha noong 15 Marso 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Young Artist of the Year". Nakuha noong 17 Oktubre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Muzyka poważna: Jakub Józef Orliński laureatem Paszportów POLITYKI". Nakuha noong 16 Enero 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Brian Robins. CD review : Jakub Józef Orliński – Facce d'amore. Opera, February 2020, Vol.71 No.2, p252-253.
  18. "Jakub Józef Orliński najlepszym śpiewakiem roku według magazynu Opernwelt" (sa wikang Polako). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Disyembre 2020. Nakuha noong 7 Pebrero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. {https://www.instagram.com/skillfanatikz/?hl=en}
  20. "Breakdancing opera singer to perform as lead LADY at Glyndebourne". Nakuha noong 14 Setyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Breakdancing opera singer steps in as Glyndebourne leading lady pulls out". Nakuha noong 19 Oktubre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Jakub Józef Orliński Biography". imgartists.com. Nakuha noong 19 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Nagrodzenia na 9. Międzynarodowym Konkursie Wokalnym im. stanisława Moniuszki". Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2020. Nakuha noong 19 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Oratorio Society of New York Announces Winners of 2016 Competition". Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Enero 2021. Nakuha noong 21 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Jakub Józef Orliński Biography" (PDF). jakubjozeforlinski.com. Nakuha noong 19 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Hitting a high! Opera's break-dancing cool kid wins prestigious Gramophone Classical Music Award". Nakuha noong 18 Oktubre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]