Pumunta sa nilalaman

James P. Beckwourth

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si James P. Beckwourth, noong mga 1860 sa Denber, Kolorado.

Si James Pierson Beckwourth (Abril 6, 1798 o 1800, Frederick County, Virginia–Oktubre 29, 1866, Denber) (kilala rin bilang Jim Beckworth, James P. Beckwith) ay ipinanganak sa Virginia noong 1798 kay Panginoong Jennings Beckwith, isang maharlikang may liping Irlandes at Ingles, at sa isang Aprikano-Amerikanong mulatong babae na hindi gaanong nakikilala.

Higit na kilala ang buhay ni Beckwourth mula sa aklat na The Life and Adventures of James P. Beckwourth ("Ang Buhay at mga Pakikipagsapalaran ni James P. Beckwourth") ng 1856. Orihinal na tinanggihan ng sinaunang mga manunulat ng kasaysayan ng Matandang Kanluran at itinuring bilang isang kuwentong-bayan lamang na isinasalaysay sa tuwing may nagsisiga sa isang kampo, subalit tinangap na sa lumaon bilang isang mahalagang napagkukunan ng kasaysayang ng lipunan, bagaman hindi gaanong natitiyak o tumpak ang mga detalye. Natuklasan ng kilusang pangkarapatang sibil si Beckwourth bilang isang maaagang tagapanimulang Aprikano Amerikano at nagkaroon din ng pangalan bilang isang huwaran sa panitikang pambata at mga araling-aklat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

KasaysayanPanitikanEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan, Panitikan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.