Jane Austen
Jane Austen | |
---|---|
Kapanganakan | 16 Disyembre 1775[1]
|
Kamatayan | 18 Hulyo 1817[2]
|
Mamamayan | United Kingdom of Great Britain and Ireland Kaharian ng Gran Britanya |
Nagtapos | Unibersidad ng Bournemouth |
Trabaho | manunulat, manunulat ng maikling kuwento, nobelista |
Asawa | none |
Pirma | |
Si Jane Austen (16 Disyembre 1775 - 18 Hulyo 1817[3]) ay isang may-akdang Inglesa. Nagsimula siyang magsulat noong 14 na taong gulang pa lamang. Mga magulang niya sina Reberendo George Austen at Cassandra Austen.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Austen sa Steventon ng Hilagang Hampshire, Inglatera. Tumanggap siya ng edukasyon mula sa kanyang ama, na isang rektor sa Steventon at dating kasaping-kapatid ng Dalubhasaan ng San Juan, Oxford. Nilisan niya ang Steventon noong 1801. Pagkaraan, pangunahing namuhay siya sa kabayanan at kanayunan, partikular na sa nayon ng Chawton, malapit sa Winchester, Inglatera. Namatay siyang walang asawa habang nasa Winchester, sa edad na 41. Nagkaroon siya ng limang mga kapatid na lalaki at isang mas nakatatandang kapatid na babae.[3]
Bilang manunulat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasulat ang kanyang mga nobelang Sense and Sensibility (dating kilala sa ilalim ng pamagat na Elinor and Marianne), Pride and Prejudice, at Northanger Abbey bilang mga balangkas muna sa pagitan ng 1792 at ng 1798, habang nakatira siya sa Steventon.
Mga aklat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsulat si Austen ng anim na buong mga aklat o mga nobela:
- Sense and Sensibility (unang balangkas isinulat niya noong sirka 1792[3] o 1795, nalathala noong 1811[3])
- Pride and Prejudice (unang balangkas isinulat niya mula 1795 hanggang 1797, nalathala noong 1813)
- Mansfield Park (isinulat mula 1812 hanggang 1814, nalathala noong 1814)
- Emma (nalathala niya noong 1815)
- Northanger Abbey (isinulat mula 1798 hanggang 1799, binago noong 1803, nalathala noong 1817 pagkaraan ng kanyang kamatayan)
- Persuasion (isinulat niya noong 1816, nalathala noong 1817 pagkaraan ng kanyang kamatayan)
Lima sa mga ito ang itinuturing na pinakamahahalagang mga nobela sa wikang Ingles: ang Sense and Sensibility, Pride and Prejudice, Mansfield Park , Persuasion at Emma.
Bukod sa mga nobelang nabanggit, nagsulat rin si Austen ng ilang bilang ng mga maiiksing kuwento noong kanyang kabataan, na tinipon sa Juvenilia. Nagsulat din siya ng mga liham, ang "Letters.[3] Sinulat niya ang nobeletang Lady Susan[3] at sinimulan din niya ang Sanditon at The Watsons[3] ngunit namatay bago matapos ang mga ito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ipinanganak noong 1775
- Namatay noong 1817
- Articles with BNC identifiers
- Articles with BNMM identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with ULAN identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Articles with RISM identifiers
- Mga nobelista
- Mga manunulat mula sa Inglatera