Pumunta sa nilalaman

Janon ang Manlalayag

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Hanno ang Nabigador o Hanno ang Manlalayag (kilala rin bilang Hanno II ng Cartago, binabaybay din ang pangalan niya bilang Hannon o Janon) (bandang 500 BK) ay isang eksplorador mula sa Cartago na higit na kilala dahil sa kanyang panggagalugad ng dalampasigang Aprikano. Noong 480 BK, pinamunuan ni Hanno ang 60 mga barkong Pinesyo mula sa Cartago. Nakarating siya at ang kanyang mga tauhan sa hilagang Aprika, kung saan napuntahan niya ang Morocco bago lumikong patimog papunta sa Karagatang Atlantiko. Maaaring narating din niya ang malayong timog kung saan naroroon ang Cameroon ng kanlurang Aprika.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Made the First Voyages of Exploration?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Explorers and Pioneers, pahina 110.


TalambuhayKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.