Pumunta sa nilalaman

Jansenismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Jansenismo ay isang posisyong ginawa ng Olandes at Romano Katolikong teologong si Cornelis Jansen (1585-1638). Batay ito sa kanyang pagkakaunawa at interpretasyon ng mga gawa ni San Agustin. Itinuring na isang heresiya o heretikal ang kanyang pananaw sa predestinasyon. Laban din si Jansen sa hustipikasyon o pagbibigay ng katwiran sa pamamagitan ng panaonampalataya lamang. Pinanatili ni Jansen na kailangan ang pagiging kasapi sa Simbahang Katoliko upang magkamit ng kaligtasan. Si Blaise Pascal (1623-1662) ang pinakatanyag na napagbagong-loob ni Jansen upang maniwala sa Jansenismo.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Jansenism". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa J, pahina 310.

KristiyanismoKatolisismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo at Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.