Pumunta sa nilalaman

Javaris Crittenton

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Javaris Crittenton
Personal information
Born (1987-12-31) 31 Disyembre 1987 (edad 36)
Atlanta, Georgia
NationalityAmerikano
Listed height6 tal 5 pul (1.96 m)
Listed weight200 lb (91 kg)
Career information
High schoolSouthwest Atlanta Christian Academy
(Atlanta, Georgia)
CollegeGeorgia Tech (2006–2007)
NBA draft2007 / Round: 1 / Pick: ika-19 overall
Selected by the Los Angeles Lakers
Playing career2007–2011
PositionPoint guard / Shooting guard
Number1, 3, 8, 23, 6
Career history
2007–2008Los Angeles Lakers
2008Memphis Grizzlies
2008–2009Washington Wizards
2010Zhejiang Lions
2011Dakota Wizards
Career highlights and awards

Si Javaris Crittenton (isinilang noong 31 Disyembre 1987) ay isang Amerikanong propesyonal na basketbolista na huling naglaro bilang point guard sa koponan ng Washington Wizards. Siya ay dating panimulang point guard para sa koponan ng Georgia Tech men's basketball team.

Ang buhay sa high school

[baguhin | baguhin ang wikitext]

SiJavaris Crittenton ay isinilang ni Sonya Dixon[1] sa Atlanta, Georgia.[2] Mayroon siyang isang nakababatang kapatid na babae na nagngangalang Shaniya Lee.[1] Si Crittenton ay lumaki sa nagiisang magulang, ang kanyang ina.[3] Bilang isang bata, si Javaris Crittenton ay nahumaling sa paglalaro ng basketball; siya ay nagsasanay sa pambatang basketball hoop na nakuha pa niya sa araw ng pasko noong siya ay limang taong gulang pa lamang. Siya ay patuloy na naglalaro dito hangang sa tuluyan itong masira.[3] Sa mga sumunod na taon nahirapan na ang kanyang ina na patigilin siya sa pagalalaro at pagsasanay ng basketball. Subalit, sa kabila ng kanyang kahumalingan sa pagalalaro basketball, si Javaris Crittenton ay isang magaling na mag-aaral.[3] Despite this obsession Crittenton was a good student as a child.[1][3]

Si Javaris Crittenton ay pumasok sa Southwest Atlanta Christian Academy, kung saan sa ay naglaro na kasama si Dwight Howard noong siya ay nasa high school sophomore.[1] Sina Crittenton at Howard ang namuno sa Southwest Atlanta sa GHSA class A state championship noong season.[1] Si Howard ay nakapasok sa first overall pick noong 2004 NBA Draft at tuluyang naging propesyonal na manlalaro matapos ang kanyang high school.[4] Bilang isang junior, si Crittenton ay may kabuuang average na 28.4 points, 7.5 assists, at 8.2 rebounds.[1] Siya ang namuno sa Southwest Atlanta sa GHSA class A state finals kung saan sila ay natalo at nakatapos sa buong season bilang runner-up.[1] Bilang isang senior, si Crittenton ay may kabuang average na 29 points, 9 assists, at 7 rebounds. Pinamunuan niya ang Southwest Atlanta sa GHSA class A state championship. Sa sumunod na season, siya ay itinuring na McDonald's All American. Siya rin ay tinawag na Mr. Georgia Basketball. Si Crittenton ay isa ring mahusay na mag-aaral. Siya ay may GPA na 3.5 at miyembro ng Future Business Leaders of America at Senior Beta Club.[1] Pagtapos siyang suyuin ng mga paaralan para sa kolehiyo, pinili niyang pumasok sa Georgia Tech nang sa gayon ay makanood ang kanyang kapatid at ina sa kanyang mga laro.[3]

Habang siya ay nasa Georgia Tech, si Crittenton ay nagpakita ng galing at itinuring na pinuno ng kanilang koponan, isang pambihirang karangalan lalo na para sa isang freshman.[5] Ang kanilang coach na si Paul Hewitt ang naghikayat kay Crittenton na tuluyang mamuno sa koponan matapos ang maraming laro noong Pebrero 2007.[5] Siya ay gumawa ng pambihirang record na 29 points noong 13 Pebrero 2007 laban sa koponan ng Florida State.[6]

Propesyonal na karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Siya ay nakuha bilang 19th draft (first round) noong 2007 NBA Draft para sa koponan ng Los Angeles Lakers. Siya ay pumirma sa lakers noong 3 Hulyo 2007. Noong NBASummer League na naganap noong 8 Hulyo 2007, siya ay gumawa ng 18 points. Kabilang ang pangtapos na jumpshot sa loob ng natitirang 1.7 segundo at nagbigay sa kanila ng tagumpay.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 "Player Bio: Javaris Crittenton". RamblinWreck.com. Georgia Tech Athletic Association. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 6, 2007. Nakuha noong Hunyo 29, 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Javaris Crittendon, espn.com, accessed 13 Pebrero 2007.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Athete of the Year-Boy's Basketball SACA's Javaris Crittenton: 'I could never get you to put that ball down'[patay na link], Atlanta Journal Constitution, accessed 13 Pebrero 2007.
  4. 2004 NBA Draft, nba.com, accessed 22 Pebrero 2007.
  5. 5.0 5.1 Associated Press. Tech's Crittenton emerges as a leader[patay na link], ledger-enquirer.com, accessed 13 Pebrero 2007.
  6. Associated Press. Georgia Tech 63, Florida St 57, espn.com, accessed 11 Marso 2007.
  7. "www.nba.com/lakers/roster/index.html". Nakuha noong 2007-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:2007 NBA Draft