Joan Carling
Si Joan Carling (ipinanganak noong 1963)[1] ay isang katutubong Pilipinong aktibista ng karapatang pantao at environmentalist na nagtanggol sa mga karapatan ng mga katutubo at mababang tingin na mga tao sa loob ng mahigit dalawang dekada. Naglingkod siya bilang Secretary General ng Asia Indigenous Peoples Pact (AIPP) at pinamunuan ang Cordillera People's Alliance sa Pilipinas. Nag-ambag din si Carling sa United Nations Framework Convention on Climate Change at REDD+ na mga aktibidad at nagsilbi bilang miyembro ng United Nations Permanent Forum on Indigenous Issues (UNPFii). Noong Setyembre 2018, natanggap niya ang Champions of the Earth Lifetime Achievement Award mula sa United Nations Environment Programme bilang pagkilala sa kanyang mga gawain bilang environmentalist at tagapagtanggol ng karapatang pantao.[2][3]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak noong 30 Hunyo 1963 sa Baguio City, si Joan Carling ay anak ng isang kalahating Hapon, kalahating Kankanaey na ama at isang Kankanaey na ina.[4] Ang mga Kankanaey na kabilang sa grupong Igorot ay matatagpuan sa Mountain Province sa Kabundukan ng Cordillera. Pagkatapos ng high school, nag-aral siya ng agham panlipunan sa Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Baguio, at nagdalubhasa sa sosyolohiya. Nagtapos siya noong 1986.[1]
Habang nasa kolehiyo pa, noong 1984 ay lubos syang nagdamdam sa pagpatay kay Macli-ing Dulag na nangampanya laban sa Chico River Dam Project upang mapangalagaan ang mga katutubong Kalinga . Pagkatapos dumalo sa kanyang libing sa Sadanga, sa mga sumunod na tatlong taon ay sumali siya sa mga pagsisikap tungo sa integrasyon ng komunidad, naging isang aktibista ng karapatang pantao sa Kalinga.[4][5]
Noong 1989, habang dumadalo sa isang kumperensya tungkol sa etnocide at militarisasyon sa Mindanao, isa siya sa 16 na delegado na inaresto sa kadahilanang sila ay iniugnay na mga miyembro ng komunistang New People's Army. Pagkatapos ng ilang protesta, sila ay pinalaya. Noong 1998, nangampanya siya laban sa pagtatayo ng San Roque Dam.[6] Sa pagbabalik sa Baguio, sumali siya sa Cordillera Peoples Alliance, naging Secretary General noong 1997 at namuno bilang Chair mula 2003 hanggang 2006.[1][4]
Mula Setyembre 2008, nagsilbi siya ng dalawang panahon bilang Kalihim ng Pangkalahatang AIPP, na kumakatawan sa 47-miyembrong organisasyon nito. Nagsulat at nag-edit siya ng mga publikasyon tungkol sa karapatang pantao, pagbabago ng klima, pangangalaga sa kagubatan, napapanatiling pag-unlad at katutubong kababaihan. Mula 2014 hanggang 2016, nagsilbi siya bilang miyembro ng UNPFii. Noong 2014, pinatnugotan (editor) niya ang Her Story of Empowerment, Leadership and Justice on indigenous women in Asia, na inilathala ng AIPP.[7]
Sa kanyang tungkulin bilang Co-convener ng Indigenous Peoples Major Group on the Sustainable Development Goals, noong Pebrero 2018 siya ay itinalagang terorista ng mga awtoridad ng Pilipino dahil sa umano'y koneksyon sa Communist Party of the Philippines at New People's Army.[8]
Noong Setyembre 2018, natanggap niya ang Champions of the Earth Lifetime Achievement Award mula sa United Nations Environment Programme bilang pagkilala sa kanyang mga gawa bilang environmentalist at tagapagtanggol ng karapatang pantao.[5]
Sa kulturang popular
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Carling ay isa sa mga babaeng Pilipino na kilalang-kilala sa isang pagpupugay sa mga babaeng gamechangers ng Irish rock band na U2 's 2019 Joshua Tree Tour sa kanilang pagpunta sa Manila.[9][10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Joan O. Carling: cv" (PDF). United Nations Non-Governmental Liaison Service. Nakuha noong 17 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Joan Carling". Forests Asia. 2014. Nakuha noong 17 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Joan Carling: Environment and indigenous rights defender". United Nations Environment Programme. 2018. Nakuha noong 17 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 Remollino, Alexander Martin (15 Mayo 2004). "Joan Carling's Journey to Damascus". Bulatlat. Nakuha noong 17 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Carling, Joan (26 Setyembre 2018). "Joan Carling is the winner of the Champions of the Earth Award, for lifetime achievement". UN environment. Nakuha noong 17 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Japanese bank to finance Philippine dam". Water Power & Dam Construction. 11 Disyembre 1998. Nakuha noong 17 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AIPP's new publication titled "Her Story of Empowerment, Leadership and Justice" on indigenous women in Asia". International Land Coalition. Enero 2014. Nakuha noong 18 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Joan Carling (Indigenous Peoples Major Group on the Sustainable Development Goals, formerly Asia Indigenous Peoples Pact (AIPP) & formerly UN Permanent Forum on Indigenous Issues)". Business & Human Rights Resource Centre. 21 Pebrero 2018. Nakuha noong 18 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "U2 dedicates 'Ultra Violet' to Maria Ressa, PH women". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-12-12.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bono salutes journalists, activists, volunteers at 2019 Philippine concert". The Philippine Star. Nakuha noong 2019-12-12.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)