Pumunta sa nilalaman

Talaan ng mga minor Lumang Tipang pigura

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Johanan, anak ni Josias)
Ang letrang P sa Bibliya

Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga taong pinangalanan sa Bibliya, partikular sa Hebreo na Bibliya at Lumang Tipan, ng hindi gaanong kilala, na kakaunti o walang nalalaman, maliban sa ilang mga koneksyon sa pamilya.

Si Atara ay asawa ni Jerameel na anak ni Esrom. Siya ay ina ni Onam at step-mother ng mga panganay ni Jerameel.[1]

Si Eliezer (Hebreo: אֱלִיעֶזֶר "God is my help") ay isa sa mga anak ni Moises ayon sa Exodo 18:4. Siya ay kapatid ni Gersom na anak din ni Moises. Siya rin ang ama ni Rehabia.[2]

Ang pangalang Hanoc (Ingles: Hanoch) ay pangalan ng dalawang biblikal na pigura:

Si Johanan (Hebreo: "God is Merciful") ay ang pangalan ng 7 na pigura sa Bibliya sa Hebreo na Bibliya:

  • Ang anak ni Karea ay kabilang sa mga opisyal na nakaligtas sa pagkawasak ng Jerusalem at pagkatapon ng mga Judeano ng hari ng Babilonya; binalaan niya si Gedalias, ang gobernador, ng isang balak na patayin siya, ngunit hindi pinansin. Jeremias 40 7ff.
  • Ang panganay ng Hari Josiah sa pamamagitan ni Zebuda na kaniyang asawa. Siya ay maikling binanggit sa Hebrew Bible lamang sa Aklat ng 1 Cronica. Posibleng siya rin ang Joacaz ng Juda.
  • Isa sa mga anak ni Elioenai na sina: Hodaias, Eliasib, Pelaias, Akub, Johanan, Dalaias, at Anani sa 1 Cronica 3:24.
  • Sa 1 Cronica 6:9, si Johanan ay isang Mataas na Saserdote ng Israel bilang anak ni Azarias at ama ni Azarias II noong panahon ng Hari Solomon.
  • Ayon sa 1 Cronica 12:12, si Johanan ay isang Gadita at isang makapangyarihang mandirigma na sumunod kay David.
  • Isa sa mga anak ni Azgad na binanggit sa Ezra 8:12.
  • Ang Mataas na Saserdoteng si Johanan na anak ni Joiada at ama ni Jaddua.[3] Bagama't sa isang lugar sa Bibliya siya ay tinawag bilang anak ni Eliasib.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1 Cronica 2:26
  2. "Bible Gateway passage: 1 Cronica 26:25 - Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)". Bible Gateway (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-12-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Nehemias 12:22