Johannes Brahms

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Johannes Brahms.

Si Johannes Brahms (7 Mayo 1833 - 3 Abril 1897) ay isang tanyag na kompositor na Aleman. Nagsimula siya bilang isang piyanista. Palagi siyang labis na mapagsuri ng sarili at winawasak niya ang anumang komposisyon na iniisip niyang hindi talaga mahusay ang pagkakagawa. Inisip niya na umaasa ang mga tao na siya ang "susunod na Beethoven", ang ginugol niya ang maraming mga taon sa kaniyang unang simponiya bago niya pinayagan itong itanghal. Nagsulat siya ng apat na mga simponiya, apat na mga konsiyerto, isang rekiyem, musikang pampiyano, musikang pangkamara at mga awit. Marahil ang kaniyang pinaka nakikilalang tono ay ang kaniyang Wiegenlied ("awit na pangkuna"), na madalas tawagin bilang "Hele ni Brahm" o "Kantang pampatulog ni Brahm," na ginagamit sa loob ng maraming mga kahong tumutunog na pambata.

MusikaAlemanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.