Pumunta sa nilalaman

John Steinbeck

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
John Steinbeck
Kapanganakan27 Pebrero 1902[1]
  • (Kondado ng Monterey, California, Pacific States Region)
Kamatayan20 Disyembre 1968[1]
LibinganSalinas
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposStanford University
Trabahomanunulat,[2] screenwriter, war correspondent,[3] nobelista
Pirma

Si John Ernst Steinbeck, Jr. (Pebrero 27, 1902 – Disyembre 20, 1968) ay isang Amerikanong may-akda ng 27 mga aklat, kabilang na ang 16 na mga nobela, 6 na mga aklat na hindi kathang-isip, at 5 kalipunan ng maiikling mga kuwento. Bilang manunulat, nailarawan niya ang kalubhaan at pagkadesperado ng mga Amerikanong naghihikahos noong panahon ng Dakilang Depresyon, partikular na ang naapektuhan ng Dust Bowl ("Mangkok ng Alikabok").[4] Higit siyang nakikilala dahil sa The Grapes of Wrath (1939, "Mga Ubas ng Poot") na nagwagi ng Gantimpalang Pulitzer, sa East of Eden (1952, "Sa Silangan ng Eden") at ang novella na Of Mice and Men (1937, "Hinggil sa mga Bubwit at mga Tao" o "Hinggil sa mga Daga at mga Lalaki"). Tumanggap si Steinbeck ng Gantimpalang Nobel para sa Panitikan noong 1962 dahil sa kaniyang mga pagsusulat na makatotohanan at sa pagiging mapanlikha ng isipan, na pinagsanib na mayroong pagkanakakatawang nakikiramay at sa pagkakaroon niya ng matalas na pag-unawang panlipunan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb119254833; hinango: 10 Oktubre 2015.
  2. https://cs.isabart.org/person/15679; hinango: 1 Abril 2021.
  3. https://www.biography.com/writer/john-steinbeck.
  4. Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R116.

PanitikanEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.