John Wesley Powell
Si John Wesley Powell[1] (Marso 24, 1834 – Setyembre 23, 1902) ay isang Amerikanong sundalo, heyologo, at eksplorador ng Kanlurang Amerika. Tanyag siya dahil sa Heograpikong Ekspedisyon ni Powell noong 1869, isang paglalakbay sa ilog na nagtagal ng tatlong buwan patungo sa Lunting Ilog ng Utah at Ilog ng Kolorado na kinabibilangan ng unang pagtahak sa Malawak na Sabak (Grand Canyon).
Kontribusyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Gilded Age ng Amerika, si Powell ay maraming nagawa sa pagdidisensyo ng tumatakbong tubig sa mga lupain at wastong paggamit ng suplay ng tubig sa Kanluraning bahagi ng Amerika.[2]
Si Powell din ay sumalamin sa mga dinamikong ugnayan sa pagitan ng mga gumagalaw na tubig pati na rin ang mga heolohiyang istraktura ng tatawirin nito.[2]
Kontrobersya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maliban sa kanyang kontribusyon bilang isang manlalakbay at heolohista, si Powell, bilang isang direktor ng United States Geological Survey (USGS) at puno ng Bureau of Ethnology sa Smithsonian, ay naging isang kontrobersyal na tauhan lalo na sa pag-aaral ng antropolohiya at etnograpiya. Dahil sa kanyang impluwensya, naapektuhan nito ang pulisiya ng gobyernong Amerikano pagdating sa usapang tubong Amerikano.[3]
Maraming inilathalang pag-aaral si Powell tungkol sa mga katutubo lalong-lalo na sa mga lahing Ute na naninirahan sa mga kanyon. Ang mga pag-aaral na ito ay naging sentro ng kritisismo sa mga katutubo at dito nakuha ang konseptong "pagkabarbaryo" nila.[3]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Harvey, Anthony; Barry Cork; Maurice Allward; Teresa Ballús; Roser Oromi (1978). "John Wesley Powell". Qué Sabes del Universo 1 (orihinal na pamagat: New World of Knowledge: Our Earth and the Universe). Ediciones Nauta, S.A. (nilimbag sa Espanya) / William Collins Sons and Company Limited, ISBN 84-278-0441-5, ISBN 84-278-0453-9.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 10. - ↑ 2.0 2.1 "Powell, John Wesley - dam, river". www.waterencyclopedia.com. Nakuha noong 2022-12-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Pico, Tamara. "The Darker Side of John Wesley Powell". Scientific American Blog Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-12-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.