Pumunta sa nilalaman

José Sánchez del Río

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Relikya ni José Sánchez del Río

Si San José Luis Sánchez del Río (28 Mario 1913 – 10 Pebrero 1928) ay isang batang Kristero na pinatay ng pamahalaanng Mehikanong pinamumunuan ng ateista at anti-Kristiyanong pangulong si Plutarco Elías Calles sa dahilang pagtangging itakwil ang kaniyang pananampalataya.

Noong nadakip si Sánchez ng mga kawal ng pamahalaan ni Calles, sinubukan nilang wasakin ang pananampalataya ng bata a pamamagitan ng pagpanood sa kaniya ng pagbigti ng kaniyang kapwa Kristero. Nang mabigo ang mga kawal, pinutol nila ang mga paa ng bata at sapilitang siyang ipinaglakad sa bayan patungo sa sementeryo. Ginalis-galis din nila ang bata gamit ng matsete hanggang dumudugo na siya sa kaniyang maraming sugat. Nagawa pa ng mga kawal na pagsabihan saying "'Pag sumigaw kang 'Mamatay si Kristong Hari!' pananatiliin ka naming buhay." Ngunit ang tanging isinasagot lamang ng bata ay "Hindi ako bibigay. Mabuhay si Kristong Hari!" Nang marating nila ang sementeryo, ilang ulit pinagsasaksak ng mga kawal ang bata gamit ng mga bayoneta. Sa tindi ng galit ng komandante kay Sánchez, inilabas niya ang kaniyang pistola at siya mismo ang bumaril sa bata.

Bago mamatay si Sánchez, gumuhit siya ng krus sa buhangin at hinalikan ito.

Idineklara siyang isang martir at ibineatipika ni Papa Benedicto XVI noong ika-20 ng Nobyembre 2005. Kinanonisa si Sánchez ni Papa Francisco noong ika-16 ng Oktubre 2016.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.