Juan Escandor
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Enero 2014) |
Doktor na Palaban ng Bikol (Profile ni Dr. Juan Escandor) Ni Perry M. Calara (Kaiba News and Features, KNF)
Sinasabi ng iba na baka bumalik ang diktadurya, ideklara ulit ang martial law, o magkaroon ng kudeta. Ang iba natatakot ang iba hindi. Kun mangyari man iyan alam natin na may mga Bikolanong papalag, mag- uumalpas, lalaban.
Sinabi na ng nakaraang panahon na may mga Bikolanong nakipaglaban para lang magkaroon ng kapayapaan at para bigyan ang mga susunod na henerasyon na magandang buhay. Isa sa mga Bikolanong iyan ay si Dr. Juan Escandor ng Gubat, Sorsogon.
Alumnus siya ng Gubat High School. Nagtapos sa Medicina Sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Naging Chief Resident ng Department of Radiology sa Philippine General Hospital (PGH). Isa siya sa mga dalubhasa sa kanser. Naging Chief ng Research Department, Kanser Institute, ng Philippine General Hospital (PGH).
Mayroon sana siyang pagkakataon na yumaman, tulad ng karamihan ng ating mga doktor. Inaalok na nga ng kaibigan na sa ibang bansa na lang maging doktor at maraming pera doon. Ang sabi lang ni Jerry sa Kaibigan, "may sinumpaan ako dito." Malalim na pananalita pero maiintindihan natin sa sinunod niyang landas sa buhay.
Naging isa siyang volunteer sa government at non-government organisasyons para maging doktor ng maraming naghihirap na barrio sa central Luzon, Mindoro, at sa kanyang munisipyo sa Gubat. Pinagsilbihan niya ang mga indigenous people. Naging volunteer din siya ng Presidential Assistance to National Minority (PANAMIN). Naglunsad siya ng mga free clinic para sa mga magsasaka ng Central Luzon at Mindoro, magsasaka at mangingisda sa Gubat.
Hindi lang kanser ng laman ang gusto niyang gamutin kundi pati na ang kanser ng lipunan. Binangga niya si Marcos at ang kanyang mga corny sampu ng kanilang kaibigang mga dayuhang kapitalista. Kaya makikita rin si Jerry na nasa piket ng mga manggagawa sa PGH at maraming pagawaan sa Manila. Nakikipagrally din siya sa US embassy, Mendiola, Plaza Miranda at nakipagsigawang: "Marcos, killer, diktador, tuta; US-Marcos ibagsak; Makibaka huwag matakot."
Isa siya sa mga organisador ng Sorsogon Progressive Movement sa Gubat at Pagkakaisa ng Kabataang Demokratiko sa Sorsogon. Hindi na nagtaka ang mga kaibigan ni Jerry ng siya ay mag-underground sa unang arangkada pa lang ng Martial Law. Hindi na siya inabutan ng mga alipures ni Marcos. Sinunod na niya ang isang rebolusyonaryong buhay. Parang si Andres Bonifacio laban sa mga kastila; parang Hukbalahap ng partido komunista laban sa hapon. Pinamunuan niya hindi lang ang Medikal Bureau ng underground movement kundi pati ang isang armadong grupo sa Central Luzon. Talagang binangga niya si Marcos at ang lipuanang bulok na kanyang kinapapalooban.
Kaya nang siya ay mahuli ng estado, hindi siya pinatawad. Sabi sa mga report namatay siya noong 1 Abril 1983, nakipagbarilan sa Quezon City. Pero may nagsasabi na namatay siya 31 Marso 1983, tinorture.
Namatay si Jerry apat na buwan bago pinatay si Ninoy Aquino. Kasagsagan na ng galit ng bayan—tatlong taon bago napatalsik si Marcos.
Hindi malaman kun kailan siya namatay pero sa autopsy ni Dr. Jaime Zamuco, teacher ni Jerry at saka ni Dr. Corazon Rivero, kaibigan, isa lang ang sigurado nila: tinorture muna si Jerry bago namatay. Binunot ang kanyang mga bigote, nakita nilang may mga bali-baling buto ang katawan ni Jerry. Ang laman ng bungo niya ay basura, trapo, may brief pa nga at plastic.
Marami ang humanga at rumespeto kay Jerry. Isa siya sa maraming Bikolanong nagbigay ng kanyang buhay para lamang mapabagsak ang isang diktadurya. Sa sermon ni Msgr. Angel Dy, ng Diocese ng Sorsogon, sa Memorial Service ni Jerry ito ang kanyang sinabi: “Friends, we honor the memory of Dr Juan Barrameda Escandor, Johnny to others, Jerry to his friends. After years of painful effort, the reality of a "good life" was for him near at hand. Yet he chose to serve the toiling masses for he could not bear to enjoy life while his brothers cry in despair. He, like a thousand others, have been sacrificed in the altar of some men's ambitions. These merit the respect of the Filipino People. For even in the face of extreme provocation, monetary enticements, a seat in power, they remained true to their principles. They offered their lives, unbowed even in torture, a witness to the greatness of the human spirit.”
Subukan nilang maglagay na diktadurya, subukan nilang magdeklara ng Martial Law, subukan kaya nilang magkudeta marami ang Jerry Escandor sa kabikolan ang papalag, mag-uumalpas, lalaban!
(karamihan sa datus dito galing sa librong PULANG HAMTIK, inedit ni Reynaldo Jamorallin (ng Sorsogon Arts Council), Published noong 1997)
Dagdag na tala: Ang kasalukuyang silid-aklatan ng Departamento ng Radiology sa UP-PGH ay ipinangalan kay Dr. Juan Escandor. Taun-taon, ang Health Action for Human Rights (HAHR) ay naglulunsad ng Bobby at Johnny Lecture Series upang ipaalala sa mga bagong henerasyon ng mga duktor na mayroong dalawang bayani na dapat tularan.