Pumunta sa nilalaman

Juan Flavier

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Juan M. Flavier)

Juan M. Flavier
Senador ng Pilipinas
Nasa puwesto
30 Hunyo 1995 – 30 Hunyo 2007
Pangulong pro tempore ng Senado ng Pilipinas
Nasa puwesto
12 Agosto 2006 – 30 Hunyo 2007
Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan
Nasa puwesto
1 Hulyo 1992 – 30 Enero 1995
Personal na detalye
Isinilang23 Hunyo 1935(1935-06-23)
Maynila, Pilipinas
Yumao30 Oktobre 2014(2014-10-30) (edad 79)
Lungsod Quezon, Pilipinas
Partidong pampolitikaLakas-CMD
AsawaAlma Susana Aguila Flavier
Alma materUnibersidad ng Pilipinas

Si Juan Martin Flavier[1] (23 Hunyo 1935 – 30 Oktubre 2014[2]) ay dating politiko sa Pilipinas. Dati siyang kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan at isang senador. Nagsanay siya bilang isang manggagamot at tumanggap ng degri sa medisina mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1960 at may Master sa Kalusugang Pampubliko mula sa Pamantasang Johns Hopkins. Bago maitalaga bilang Kalihim ng Kalusugan, naglingkod muna siya para sa mga mamamayan ng baryo sa Nueva Ecija at Kabite. Naging pangulo siya ng Philippine Rural Reconstruction Movement noong 1977. Mula 1978 magpahanggang 1992, siya ang pangulo ng International Institute of Rural Reconstruction.[1]

Nagtapos siya ng elementarya at ng hayskul sa Lungsod ng Baguio. Tumanggap siya ng duktorado sa pagkamanggagamot mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1960. Nahalal siya bilang isa sa mga Ten Outstanding Young Men of the Philippines noong 1967 dahil sa kaniyang mga nagawa para sa pagpapaunlad ng mga pook na may katayuang rural.[3]

Sa kaunlarang panlipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinuturing na isang pandaigdigang dalubhasa sa pagpapaunlad ng komunidad si Flavier. Naging pangalawang-pangulo siya ng departamento ng kalusugan sa International Institute of Rural Reconstruction sa Silang, Kabite, kung saan naging tungkulin niya ang pagsasanay ng mga tauhan. Nagsilbi rin siya bilang tagapayo sa isang pribadong kompanya at tatlong tanggapang pampamahalaan ng Pilipinas. Kabilang dito ang Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) o Pararam (pinaikling pangalan ng organisasyon PRRM, at mula sa Pilipinong bigkas ng mga titik na P-R-R-M), ang Presidential Arm on Community Development, ang Department of Social Welfare, at ang Technical Committe on Community Development of the Philippine Senate. Nagtrabaho siya para sa Pararam ng walong taon, kung saan naging pangulo siya nito mula 1967 hanggang 1968.[3]

Sa politika ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1992, itinalaga siya ni Pangulong Fidel V. Ramos para maging Sekretaryo ng Kagawaran ng Kalusugan. Pinasimulan ni Flavier ang iba't ibang mga programang pangkalusugan katulad ng Oplan Alis Disease, Kontra Kolera, Stop TB, Araw ng Sangkap Pinoy, Family Planning at Doctor to the Barrios Program.[1]

Noong 1995, tumakbo siya sa pagka-senador sa ilalim ng tiket ng administrasyon. Muli siyang nahalal bilang senador noong 2001, kung kailan pumangalawa siya sa hanay ng 12 nagwaging mga kandidato. Sa Senado, inakdaan niya at tinangkilik ang mga lehislasyong katulad ng Traditional Medicine Law (Batas Pangnakagawiang Panggagamot), Poverty Alleviation Law (Batas sa Pag-ahon sa Kahirapan), Clean Air Act (Batas sa Malinis na Hangin), at Indigenous People's Rights Act (Batas sa Karapatan ng mga Katutubo).[1][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Talambuhay, Senate.gov.ph
  2. (sa Ingles) "Juan Flavier - Mr. Let's DOH It, People's Senator - quietly passes away". InterAksyon.com. InterAksyon.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-11-02. Nakuha noong 31 Oktubre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Juan Flavier". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). 1970.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Literal na Salin