Julia Roberts
Julia Roberts | |
---|---|
Kapanganakan | Julia Fiona Roberts 28 Oktubre 1967 Atlanta, Georgia, Estados Unidos |
Trabaho | Aktres |
Aktibong taon | 1987–kasalukuyan |
Asawa | Lyle Lovett (m. 1993–1995; nagdiborsiyo) Daniel Moder (m. 2002–kasalukuyan; 3 anak) |
Kamag-anak | Eric Roberts (kapatid na lalaki) Lisa Roberts Gillan (kapatid na babae) Emma Roberts (pamangking babae) |
Si Julia Fiona Roberts (ipinanganak noong 28 Oktubre 1967) ay isang Amerikanang aktres. Siya ay naging isang bituin ng Hollywood pagkaraang maging bida sa komedyang romantiko na Pretty Woman (1990), na nagtamo ng kitang $464 milyon sa buong mundo. Pagkaraang makatanggap ng mga nominasyon sa Gantimpalang Golden Globe at Gantimpala ng Akademya para sa Steel Magnolias (1989) at Pretty Woman, napagwagian niya ang Gantimpala ng Akademya para sa Pinaka Mahusay na Aktres dahil sa kanyang pagtatanghal sa Erin Brockovich (2000). Ang mga pelikula niyang My Best Friend's Wedding (1997), Mystic Pizza (1988), Notting Hill (1999), Runaway Bride (1999), Valentine's Day (2010), The Pelican Brief (1993), Ocean's Eleven (2001), at Ocean's Twelve (2004) ay sama-samang nakapaghango ng mga resibong pangtakilya ng mahigit sa $2.4 bilyon, na dahilan upang siya ay maging isa sa pinaka matagumpay na mga aktres batay sa mga resibong pangtakilya.[1]
Si Roberts ay naging isa sa pinaka mataas na kumikitang mga aktres sa buong mundo, na nanguna sa taunang "power list" ("talaan ng kalakasan") ng Hollywood Reporter ng nangungunang kumikitang mga bituing babae mula 2005 hanggang 2006. Ang gantimpagal o gantimbayad para sa kanya para sa Pretty Woman noong 1990 ay $300,000;[2] noong 2003, siya ay binayaran ng wala pang nakakapantay na $25 milyon para sa kanyang papel sa Mona Lisa Smile (2003). Pagsapit ng 2010, ang halagang neto niya ay tinatayang nasa $140 milyon.[3]
Pinangalanan si Roberts bilang isa sa "50 Most Beautiful People in the World" (50 Pinaka Magagandang mga Tao sa Buong Mundo) ng People nang labing-isang ulit, na kapatas ni Halle Berry. Noong 2001, inihanay siya ng Ladies Home Journal bilang ika-11 pinaka makapangyaring babae sa Amerika, na napangunahan ang noon ay pambansang tagapagpayong pangseguridad na si Condoleezza Rice at dating Unang Ginang ng Estados Unidos na si Laura Bush.[4][kailangang linawin][patay na link] Si Roberts ay mayroong isang kompanya ng produksiyong tinatawag na Red Om Films. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "People Index". Box Office Mojo. 5 Pebrero 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Enero 2013. Nakuha noong 4 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Julia Roberts". The-numbers.com. Nash Information Services, LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-26. Nakuha noong 2011-07-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Goldman, Lea; Blakeley, Kiri (17 Enero 2007). "The 20 Richest Women In Entertainment". Forbes. Nakuha noong 6 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The power index". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-17. Nakuha noong 2021-08-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong 3 Enero 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Estados Unidos at Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- Mga artikulo ng Wikipedia na kailangang linawin (Oktubre 2011)
- Mga artikulong may patay na panlabas na link (Oktubre 2011)
- Ipinanganak noong 1967
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with Emmy identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Mga artista mula sa Estados Unidos