KAIST

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang rebulto ni Jang Young Sil, isang Koreanong siyentipiko, sa harap ng science library, Daejeon campus

Ang KAIST (pormal na Korea Advanced Institute of Science and Technology) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Daedeok Innopolis, Daejeon, Timog Korea. Ang KAIST ay itinatag ng gobyerno ng Korea, sa tulong ng mga Amerikanong mambabatas, noong 1971 bilang kauna-unahang bahay-saliksikan sa bansa para sa agham at inhinyeriya.[1] Ang KAIST din ay akreditado para sa edukasyon pangnegosyo.[2] KAIST ay may humigit-kumulang 10,200 full-time na mag-aaral at 1,140 mananaliksik na guro at merong kabuuang badyet na US$765 milyon noong 2013, kung saan ang US$459 milyon ay mula sa mga kontrata sa pananaliksik. Mula 1980 hanggang 2008, ang istituto ay kilala bilang ang Korea Advanced Institute of Science and Technology. Noong 2008, ang pangalan ay pinaikli sa "KAIST".

Noong 2007 nagpatibay ang KAIST ng mga programang dual degree kasama ang mga nangungunang pamantasan sa mundo, kabilang ang ang Technical University of Denmark,[3] Carnegie Mellon University,[4] Georgia Institute of Technology,[5] Technical University of Berlin,[6] at Technische Universitat München.[7]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]