Pumunta sa nilalaman

Ka‘ahumanu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ka‘ahumanu
Kapanganakan17 Marso 1768
  • (Kondado ng Maui, Hawaii, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan5 Hunyo 1832
Trabahopolitiko
OpisinaHari ()

Ka‘ahumanu, kilala sa pormal na pangalan bilang Elizabeth Ka‘ahumanu, (1768–1832), Queen Regent ng Kaharian ng Hawai'i. Ipinanganak siya sa Pulo ng Maui sa Hawai'i noong 17 Marso 1768 kina Ke'eaumoku at Namahana. Si Ke'eaumoku ay isang tagapayo at kaibigan ni Kamehameha I, na nakatalagang ipakasal kay Ka‘ahumanu sa gulang na 13. Maraming asawa si Kamehemeha I ngunit naging paborito niya si Ka‘ahumanu. Hinikayat niya ang kanyang asawa na gunap ng giyera sa pagsasa-isa ng Hawai'i.

Si Ka`ahumanu ay hindi lamang ang pinakapaboritong "asawa" ng hari kundi ang pinakamalakas ayon sa relihiyon sa Hawaii sapagkat siya ay ang taong nagmamay-ari ng pinakamaraming "mana" sa kanyang kapanahunan. Ang "mana" ay isang banal na bagay, at upang hindi ito mahaluan ng ibang bagay, ang mga Hawaiians ay nagpapakasal sa kanilang mga kamag-anak lamang. Katulad sa mga sinaunang Egyptians, hindi na kakaiba sa mga magkakapatid ang pagpapakasal sa isa't isa. Ang gawaing ito ay naglaho nang sila ay lumipat sa Kristiyanismo, at hindi na kailanman ginawa pa ng mga tao.

Sa pagakamatay ni Kamehameha noong 5 Mayo 1819, iginiit ni Ka‘ahumanu na isa sa mga kahilingan ng pumanaw na hari ang pakikibahagi niya sa pamumuno sa Kaharian ng Hawai'i kasama ang kanyang 22 taong gulang na si Liholiho, na kumuha sa pangalang Kamehameha II. Ang parlamentaryo ay sumang-ayong gumawa ng pamunuan ng kuhina nui o punong ministro. Lumawak ang kapangyarihan ni Ka‘ahumanu at namuno siya bilang Queen Regent sa mga panahon ni Kamehameha II at Kauikeaouli, na kilala rin bilang Kamehameha III.

Unang Tagapagtaguyod ng Karapatang Pangkababaihan sa Hawaii

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Siya ay nangunguna sa kanyang kapanahunan at kanyang itinaguyod ang mga karapatan ng mga katutubong babaeng Hawaiian. Siya ay nakipagsanib-pwersa kay Keopuolani, Queen Regent sa ilalim ni Kamehameha II, upang kumain sa parehong mesa na kung saan ang hari ay kumakain. Ang kinalabasan ay ang pagbabago ng mga batas para sa lipunang Hawaiian.

Kaumuali`i ng Kaua`i

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang namatay ang kanyang asawa, kinatakutan ni Ka`ahumanu ang isla ng Kaua`i, sapagkat hindi ito pwersahang nasakop ni Kamehameha at maaaring magresulta sa pagtatapos ng relasyon nito sa pinagkaisang kaharian. Noong 9 Oktubre 1821, pwersahang kinuha ni Ka`ahumanu ang gobernador ng Kaua`i na si Kaumuali`i, at sapilitang nakipagkasal.


KasaysayanTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.