Kabulig-Bikol
Ang Kabulig-Bikol isang samahang pampanitikan ng mga manunulat sa mga wika sa Bikol.[1][2][3] Nais ng organisasyon na paunlarin at ipakilala ang sining at kulturang Bikolnon.[4] Pinamamahalaan ito ngayon ni Marissa Redburn.
Kabulig sa Pamantasan ng Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinayo ni Maria Lilia Realubit ang tinatawag na Kabulig Bikol Writers Association noong 1993 kasama ang mga kapwa manunulat na guro sa Pamantasan ng Pilipinas.[5][6]
Samahan ng mga manunulat ng Kabulig-Bikol
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Lungsod ng Naga itinatag ang organisasyon ng mga manunulat, kasapi dito sila Frank Peñones, Jr., Gabriel Bordado at Honesto Pesimo, Jr. na kung saan si Rudy Alano ang naging pinakaunang ulo mg pangkat.[7][8] Bago ang lahat, tinatapos nila Pesimo, Estelito Jacob at Rizaldy Manrique ang isang pangkat na tinatawag na Barukikik. Sa suhestyon ni Peñones, ginamit ang pangalan na Kabulig-Bikol. kasali din dito sina Marissa Reorizo-Redburn, Judith Balares-Salamat at Kristian Cordero. Noong 2010, nakikawing ang grupo sa Ang Ladlad, isang organisasyon ng mga baklâ sa Pilipinas.[9] Ang iba pang naging pinuno nito ay sina Estelito Jacob at Vic Nierva bàgo mamatay ang organisasyon noong 2012.[10][11]
Reorganisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nag-reorganisa ang pangkat noong 2012 at naiparehistro bilang Kabulig-Bikol Inc. sa Securities and Exchange Commission bilang non-stock corporation. Ang mga miyembro nito ay sina Estelito Jacob, Francisco Peñones Jr., Honesto Pesimo Jr., Marissa Reorizo-Redburn, Rizaldy Manrique at Paz Verdades Santos.[12]
Kabulig Writers Prize
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2018, inilunsad ng organisasyon ang Kabulig Writers Prize, isang premyo sa pagsurat ng tula na erotika kung saan nanalo si Emmanuel Barrameda ng Virac, Catanduanes.[4] Sa ikalawang edisyon ng patimpalak sa pagsulat ng kwentong pambata, pinanalo ni Jaime Jesus Borlagdan ng Lungsod ng Tabaco ang unang premyo.
- ↑ A Rich Harvest for 10th Ateneo National Writers Workshop Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine. Vox Bikol (Pighúgot 2010-11-24)
- ↑ Paratukdo, Pagsurat Bikolnon 2008: A Teacher-Writer's Conference for Bicol Literature Naka-arkibo 2020-09-29 sa Wayback Machine. Kolehiyong Fundasyon nin Naga (Pighúgot 2009-09-21)
- ↑ Pagrokyaw sa tataramon[patay na link] Bicol Mail Online (pighugot 2009-08-20)
- ↑ 4.0 4.1 INAUGURAL WRITERS PRIZE Kabulig winners Bicol Mail (pighugot 2019-05-02)
- ↑ de Ungria, Ricardo M. Enriching Knowledge by Publishing the Regional Languages Asiatic, Unibersidad kan Pilipinas-Mindanao, Hunyo 2009, p. 29-30
- ↑ In memoriam: August 2017 MARIA LILIA F. REALUBIT University of the Philippines-Diliman (pighugot 2019-05-03)
- ↑ Rudy F. Alano http://www.panitikan.com.ph Panitikan.com.ph Naka-arkibo 2019-05-20 sa Wayback Machine. (pighugot 2019-05-03)
- ↑ de Ungria, Ricardo M. Enriching Knowledge by Publishing the Regional Languages Asiatic, Pamantasan Pilipinas-Mindanao, Hunyo 2009, p. 29-30
- ↑ "Ang Ladlad also represented itself to be “a national LGBT umbrella organization with affiliates around the Philippines composed of the following LGBT networks" Naka-arkibo 2019-02-05 sa Wayback Machine. (G.R. No. 190582) Korte Suprema kan Filipinas, Syudad nin Baguio (pighugot 2012-1-3)
- ↑ Panganiban Asin Santos, Pan-Aki Na! Yudi Man! Bangraw kan Arte, Literatura asin Kultura, BANGRAW/NCCA, Desyembre 2008, p. 7
- ↑ Tulong miembro kan Kabulig tinawan onra Bangraw kan Arte, Literatura asin Kultura, BANGRAW/NCCA, Desyembre 2008, p. 8
- ↑ An Evening of Bikol Erotic Poetry: From “Kitik” to “Girok” Bicol Mail (pighugot 2012-10-14)