Kaharian ng Inglatera
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
Kaharian ng Inglatera | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
927 — 1649 1660 — 1707 | |||||||||||||
Kabisera | Winchester; Westminster/Londres mula ika-11 dantaon | ||||||||||||
Karaniwang wika | Lumang Ingles (de facto, hanggang 1066) Normano-Pranses (de jure, 1066 - ika-15 dantaon) Gitnang Ingles (de facto, 1066 - huling ika-15 dantaon) Wikang Ingles (de facto, mula ika-16 na dantaon) Wikang Gales (de facto) Wikang Korniko (de facto) | ||||||||||||
Pamahalaan | Monarkiya | ||||||||||||
Monarko | |||||||||||||
• 924-939 | Athelstan | ||||||||||||
• 1702-1707 | Anne | ||||||||||||
Lehislatura | Batasan ng Inglatera | ||||||||||||
• Mataas na Kapulungan | Pamilya ng mga Panginoon | ||||||||||||
• Mababang Kapulungan | Pamilya ng mga Karaniwan | ||||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||||
• Pag-iisa ni Athelstan | 927 | ||||||||||||
1066 | |||||||||||||
• Katahimikan ng Inglatera | Ika-30 ng Enero, 1649 | ||||||||||||
1660 | |||||||||||||
1689 | |||||||||||||
Ika-1 ng Mayo 1707 | |||||||||||||
Salapi | Libra esterlina | ||||||||||||
|
Ang unang taong gumamit ng titulong Hari ng Inglatera ay maaaring si Offa ng Mercia, ngunit hindi ito kinatigan at kinilala ng iba pang mga kaharian. Noong ika-9 na siglo, ang mga monarko ng Wessex, na sumakop sa Kent at Sussex mula sa Mercia noong 825, ay naging dominante at makapangyarihan sa mga buong lupain ng Inglatera. Ang pananakop naman ng mga Danes sa Northumbria, Silangang Anglia at kalahating bahagi ng Mercia ang nag-iwan kay Alfred, ang Dakila ng Wessex bilang nag-iisang haring Ingles noong 885. Napagtagumpayan niya ang serye ng pananalakay ng mga Danes at muling ibinalik ang nakuhang kalahati ng Mercia papunta muli sa Wessex.
Ang tunay na listahan ng mga monarkong Ingles ay nagsimula kay Egbert ng Wessex noong 829. Sa panahon ni Eadred noong 945, hindi pa ganap ang pag-iisa ng pitong kaharian ng Inglatera. Ang Prinsipalidad ng Gales ay napasailalim ng koronang Ingles noong 1284 sa pamamagitan ng Batas Rhuddlan, at noong 1301, itinalaga ni Eadred ang kanyang panganay na anak na lalaki, si Edward ng Caernarfon bilang Prinsipe ng Gales. Buhat noon, maliban na lamang kay Edward III, ang pinakamatandang anak na lalaki na ang nagmana ng titulong iyon. Pagkatapos mamatay ni Elizabeth I noong 1603, ang mga korona naman ng Eskosya at Inglatera ay pinag-isa ni James I at VI. Sa bisa ng isang batas, tinawag ni James I ang kanyang sarili bilang Hari ng Gran Britanya. Noong 1707, tuluyan nang napag-isa ang Scotland at Inglatera sa bisa ng Batas ng Pag-iisa ng 1707 at tinawag ang buong bansa bilang Nagkakaisang Kaharian ng Gran Britanya. Noong 1801, sumama ang Kaharian ng Irlanda sa unyon at tinawag naman itong Nagkakaisang Kaharian ng Gran Britanya at Irlanda.