Kakabakaba Ka Ba?
Kakabakaba Ka Ba? | |
---|---|
Direktor | Mike De Leon |
Prinodyus | Manuel De Leon Encarnacion De Leon |
Sumulat | Clodualdo Del Mundo Raquel Villavicencio Mike De Leon |
Itinatampok sina | Christopher De Leon Charo Santos Jay Ilagan Sandy Andolong |
Musika | Lorrie Ilustre |
Sinematograpiya | Rody Lacap |
In-edit ni | Ike Jarlego, Jr. |
Tagapamahagi | LVN Pictures |
Inilabas noong | 8 Agosto 1980 |
Haba | 104 minuto |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Ang Kakabakaba Ka Ba? ay isang nakakahimanting, nakakauyam at nakakatawang pelikulang pangmusika na nilikha sa ilalim ng direksiyon ni Mike De Leon. Ito ay pagbabalik na produksiyon para sa LVN Pictures na naging di-aktibo sa loob ng mga mararaming taon at para kay De Leon na gumawa ng pelikulang ito pagkatapos ng isang tatlong-taong hakdaw.[1]
Ito ay tungkol sa mga riwara ng dalawang tambal na talisuyo na naipit sa salimbayan ng putok sa pagitan ng mga nagbabakang ahenteng Hapones at Tsinong mangangalakal ng droga.[1]
Mga tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:
Mga nagsiganap | Ginampanan bilang |
---|---|
Christopher De Leon | Johnny |
Charo Santos | Melanie |
Jay Ilagan | Nonong |
Sandy Andolong | Nancy |
Boboy Garovillo | Onota |
Johnny Delgado | Father Master |
Armida Siguion-Reyna | Madame Lily |
Leo Martinez | Padre Blanco |
Nanette Inventor | Madreng Superyora |
Joe Jardi | Goon |
Moody Diaz | Melody / Virgie |
Danny Javier | Sampagita |
George Javier | Grand Master |
UP Concert Chorus | mga pekeng pari at madre |
Buod ng pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagpuslit ng Hapones na si Onota (Garovillo) sa bansa ang isang kargamento ng opyo na matalinong nakabalumbon sa isang kahita. Di-napansin, ang kahita ay inilagay sa bulsa ng dyaket ni Johnny (De Leon), isang binatang Pilipino na bumalik mula sa bansang Hapon. Ang binata, ang kanyang babae na si Melanie (Santos), at ang kanilang mga kaibigan, na sila ay talisuyo din (Ilagan, Andolong), ay tinutugaygayan ng Hapones na hinahanap upang mabawi ang kalakal na puslit. Ang mga ahenteng Tsino ay sumisilakbo rin sa kanilang pagsusubaybay. Kumakabig para sa kanilang mga buhay, ang mga talisuyo ay nakarating sa Baguio.
Umaasang mahanap ang kanlungan, ang mga nag-iibigan ay pumasok sa isang simbahan upang alamin lamang na ito ay ang himpilan ng sindikatong Hapones. Inihantad nila ang isang sabwatan ng sindikato na gagamit ng mga pekeng pari at madre para sa malawakang pagpapalaganap ng opyo sa bansa. Ang pamamaraan ay isinasapantaha na ilagay ang bansa sa ilalim ng kontrol ng mga Hapones. Sa huli, ang mga ahenteng Tsino ay pumasok sa himpilang Hapones at ang isang magulo at nakakatawang labanan ay sumunod: Ang mga Tsino laban sa mga Hapones at kapwa laban sa mga Pilipino. Nanalo ang mga Pilipino at nagpakasal ang mga talisuyo.[1]
Pagsusuri ng pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pelikula ay itinuturing ng mga tagapuna bilang isa sa mga patutong pelikula ng dekadang 80 dahil sa balintuna, makomiko, at walang-pitagang pakikitungo ng isang kaibang masidhing tikha tungkol sa pagtaban ng dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas. Ito ay kinakailangan na lumampas sa mga tagapuna, na likas na nagsumikap na ipagbawalan ang pelikula ukol sa mga ipinaratang pagdaluhong na panrasismo laban sa mga Hapones at mga Tsino.[1]
Mga gawad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gawad FAMAS
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
Pinakamahusay na Direktor Mike De Leon Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Johnny Delgado Pinakamahusay na Pelikula |
Gawad Urian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
Pinakamahusay na Direksiyon Mike De Leon Pinakamahusay na Editing Ike Jarlego, Jr. Pinakamahusay na Musika Lorrie Ilustre Pinakamahusay na Tunog Ramon Reyes Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Johnny Delgado | ||
Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Boboy Garovillo Pinakamahusay na Pangalawang Aktres Nanette Inventor Pinakamahusay na Pangalawang Aktres Armida Siguion-Reyna Pinakamahusay na Dulang Pampelikula Clodualdo Del Mundo Jr. Mike De Leon Raquel Villavicencio Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon Raquel Villavicencio Pinakamahusay na Sinematograpiya Rody Lacap Pinakamahusay na Pelikula |
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kakabakaba ka ba? sa Datobaseng Pelikula ng Internet
- Database of Philippine Movies: Kakabakaba Ka Ba?
- Sari-Saring Sineng Pinoy: Bawat Pintig... Bawat Tibok... KAKABAKABA BA BA?
- kabayancentral.com - Kakaba Kaba Ka Ba? Naka-arkibo 2008-12-24 sa Wayback Machine.
- Buhay/Pelicula - Kakabakaba Ka Ba? (1980) Naka-arkibo 2008-07-07 sa Wayback Machine.
- ABS-CBNnow! Movie Channel - Movie Details: Kakaba Kaba Ka Ba? Naka-arkibo 2009-01-30 sa Wayback Machine.
- Moving Image and Sound Archives Singapore - Kakabakaba, Ka Ba?[patay na link]