Kakayahang makipagtalik
Sa larangan ng seksuwalidad, ang kakayahan sa pakikipagtalik o kapasidad na seksuwal (Ingles: sexual capacity) ay ang kakayahan ng isang tao para sa kaniyang damdaming seksuwal[1] na karaniwang kinasasamahan ng kaniyang oryentasyong seksuwal at aktibidad na seksuwal.[2] Ang mga halimbawa ng seksuwalidad ng tao ay ang kaniyang pagiging heteroseksuwal o homoseksuwal. Ang mga halimbawa naman ng kapasidad para sa seksuwalidad at ng seksuwalidad ng isang tao ay ang mga gawain na isinasakatuparan niya at ang mga aktibidad na isinasaalang-alang o ninanais ng isang tao.[2] Ang kawalan ng kakayahan ng isang tao na makilahok o makiisa sa pakikitagpo para sa gawaing seksuwal o maging masaya sa gawaing seksuwal ay tinatawag na kapansanang seksuwal (sexual dysfunction) o diperensiyang seksuwal (abnormal na seksuwalidad).[3] Ang kakayahang makipagtalik ay maaaring iuri sa pisikal at mental na kakayahan.
Pisikal na kakayahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kakayahang pisikal sa pakikipagtalik ng isang tao ay tumutukoy sa kapabilidad sa prokreasyon o kopulasyon. Sa lalaki, ito ay tinatawag na birilidad na katumbas ng muliebridad (muliebrity) ng isang babae, na ang kahulugan ay ang pagkakaroon ng mataas na sex drive o sexual drive o ang kagustuhan na makahanap ng satispaksyon o kasiyahan para sa mga pangangailangang seksuwal; at ang pagkakaroon ng kapasidad para sa interkursong seksuwal.[4]
Mga taong nasa wastong gulang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Brain Injury Rehabilitation Trust (BIRT) ng Nagkakaisang Kaharian, ang isang tao ay nagbibigay ng pahintulot kapag siya ay pumayag sa pamamagitan ng pagpili at mayroong kalayaan at kakayahan na gumawa ng pagpili o o gawin ang pagpili. Wala namang kakayahan ang isang tao na pumili kapag kung kulang sila ng sapat na pang-unawa sa kalikasan ng gawain ng makatwirang makikinita-kinitang kahihinatnan ng bagay na ginagawa o ano mang iba pang mga dahilan. Sa kasong ito, ang pariralang "sapat na pagkakaunawa" ay kinabibilangan ng pagkakaalam na ang seks o pagtatalik ay naiiba mula sa personal na pangangalaga o pag-aalaga, at na ang pakikipagtalik ay maaaring humangtong sa pagbubuntis at sa mga sakit na naihahawa dahil sa pakikipagtalik. Kung mayroon mang mga pababawal, ang mga ito ay dahil sa kainamang panlipunan, kaligtasan ng madla o pagsasanggalang sa mga karapatan ng ibang mga tao.[5]
Ang pariralang "ibang mga dahilan" naman ay nangangahulugan ng hindi pagkakaalam ng isang tao na "maaari siyang pumili", isang mahalagang bagay na dapat isaalang-alang sapagkat maraming mga dahilan kung bakit pinipili ng isang tao ang magkaroon ng isang relasyong seksuwal.[5] Ilan sa mga dahilan kung bakit pumapayag ang mga tao na magkaroon ng pakikipag-ugnayang seksuwal ang dahil sa nasisiyahan sila sa karanasang seksuwal; dahil gusto nila ang kanilang kapareha at nais nilang pasayahin ang kanilang kapareha (bagaman hindi sila nasisiyahan sa karanasang ito); dahil sa nadaramang nilang obligasyon nila ang gawain seksuwal, katulad ng pagiging asawa; dahil sa nakakatanggap sila ng ginhawa laban sa takot o sa pagkabalisa; dahil sa pakiramdam ng ginhawang pisikal at pagkakadikit sa isa't isa na panlaban o panlunas din sa takot at pagkabalisa); dahil sa nakakatanggap sila ng bayad kapalit ng mga gawaing seksuwal.[5]
Kabilang sa karapatan ng lahat ng tao na galangin o respituhin ang kanilang pribasidad at buhay na pampaliya, na kinabibilangan ng karapatan ng isang indibidwal na makilahok sa makabatas na mga gawaing seksuwal at/o relasyon ( everyone has a right to respect for his private and family life, and this includes the right of an individual to engage in lawful sexual activities and/or relationships).[5]
Mga adultong may kahinaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagkilala na ang isang indibidwal ay kulang ng kakayahan na magpasya ay hindi awtomatikong nangangahulugan na ang taong iyon ay isang adultong vulnerable o may kahinaan sapagkat maraming mga adulto na may kahinaan ang mayroong kapasidad na makagawa ng pagpapasya. Mayroong mga patakaran at mga pamamaraan upang maprutektahan ang mga adultong mahihina subalit hindi dapat na matanggal ng mga ito ang karapatan sa pagpayag sa mga ugnayang seksuwal sa pagitan ng mga adulto.[5]
Mga taong may kapansanan sa pag-iisip
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kasalukuyan, ayon sa National Disability Authority (NDA) ng Nagkakaisang Kaharian, mayroong pangkalahatang pagsang-ayon ang mga mananaliksik at manunuri ng kakayahan (katulad ng ginawa nina Murphy at Clare, 2003; Lyden, 2007; Kennedy at Niederbuhl, 2001; Eastgate 2008) na pumasok sa relasyong seksuwal ang mga taong may kapansanan: na nagsasaad na dapat na bigyan ng kapangyarihan at hikayatin ang mga taong may kapansanan na magpasya para sa kanilang mga sarili, kung maaari, bagman kailangan ding prutektahan ang mga taong may kapansanan mula sa pang-aabusong seksuwal at iba pang uri ng mga pang-aabuso. Ang kahirapan lamang dito ay ang kung paano malalaman kung ang isang taong may intelektuwal na disabilidad ay mayroon ngang kakayahan na magpahintulot o pumayag sa isang ugnayang pampagtatalik; at kung mayroon mang kapasidad ay talaga nga bang sumasang-ayon ang taong may kapansanan sa isang partikular na relasyong seksuwal. Ang karapatang ito ng isang taong may kapansanan ay nakabatay sa kaniyang karapatan na kilalanin bilang isang tao sa harap ng batas (The right to be recognised as a person before the law).[6]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pahintulot na seksuwal (pagpayag na makipagtalik)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Oxford Dictionary". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-18. Nakuha noong 2014-09-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Dictionary.com
- ↑ Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 568.
- ↑ virile, Dictionary.com
- ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Capacity to Consent to a Sexual Relationship - Information for families and friends[patay na link], Brain Injury Rehabilitation Trust (BIRT), 2010.
- ↑ Literature Review on Provision of Appropriate and Accessible Support to People with an Intellectual Disability who are Experiencing Crisis Pregnancy Naka-arkibo 2014-10-15 sa Wayback Machine., National Disability Authority, napuntahan noong 13 Setyembre 2014.