Kalamnang aduktor ng balakang
Sa anatomiya ng tao, ang mga kalamnang aduktor ng balakang o mga aduktor ng balakang (Ingles: adductor muscles of the hip, hip adductors, groin) ay isang pangkat ng mga kalamnan ng hita na nagsasagawa ng aduksiyon ng hita. Ang mga ito ay nasa loob ng hita at karaniwang tinatawag na singit o groin sa Ingles.[1] Sa pagkilos, kapag nakatuwid ang binti, ang mga masel na ito ang nagpapahintulot na muling mahilang pabalik papunta sa katawan ang binti; ang galaw na ito ang tinatawag na aduksiyon ng balakang o hip adduction sa Ingles.[1]
Mga masel
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangkat ng mga aduktor ay binubuo ng mga sumusunod:
- Adductor brevis
- Adductor longus
- Adductor magnus
- Adductor minimus, isang masel na karaniwang itinuturing na kabahagi ng adductor magnus.
- Pectineus
- Gracilis
- Obturator externus[2] at mga bahagi rin ng panggitnang pitak ng hita.
Pinagmumulan at pagsisingit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga aduktor ay nagsisimula sa ibabaw ng mga butong pubis at ischium at sumusingit o sumusuot sa panggitnang panlikurang ibabaw ng ibabaw o kapatagan ng femur.
Inerbasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang nerbiyo nito ay nagmumula sa nerbiyong obturador[2] maliban sa isang maliit na bahagi ng adductor magnus, na ang inerbasyon ay mula sa nerbiyong tibial.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Campbell, Adam. The Men'sHealth Big Book of Exercises, Meet Your Muscles, Quads & Calves, Hip Adductors, Kabanata 8, Rodale, New York, 2009, pahina 189.
- ↑ 2.0 2.1 Platzer, Werner (2004), " Color Atlas of Human Anatomy, Vol. 1, Locomotor System, Thieme, ika-5 edisyon, pahina 240