Kalihiman ng mga Nagkakaisang Bansa
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Kalihiman ng mga Nagkakaisang Bansa (Ingles: United Nations Secretariat) ay isa sa anim na pangunahing organo ng mga Nagkakaisang Bansa na naglilingkod bilang tagapagpaganap na bisig nito. Gumaganap ito ng mahalagang papel sa pagtatakda ng ahenda para sa mga katawang pampakikipanayam at gumagawa ng mga pasya, gayundin sa pagpapatupad ng desisyon ng mga katawang ito. Pinangangasiwaan nito ang mga operasyong pinasimulan ng mga organong deliberatibo ng ONB, nagpapatakbo ng mga misyong pampolitika, ihinahanda ang mga analisis na naunua sa mga operasyong pampananatili ng kapayapaan, nagtatalaga ng mga hepe para sa mga nasabing operasyon, nagsasagawa ng mga pagsisiyasat at pananaliksik, nakikipag-ugnayan sa mga di-pang-estadong aktor tulad ng midya at mga organisasyong di-pampamahalaan, at naglalathala ng lahat ng tratado at kasunduang internasyonal. Ito rin ang pangunahing pinagkukunan ng pagsusuri sa ekonomiya at politika para sa Asembleyang Pangkalahatan at Konsehong Pangkatiwasayan. Ang Kalihim-Panlahat ng mga Nagkakaisang Bansa, na hinihirang ng asembleya, ay ang nagsisilbing pinuno ng kalihiman.