Pumunta sa nilalaman

Kamaksi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Gryllidae
Gryllus assimilis
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Hati: Insecta
Orden: Orthoptera
Suborden: Ensifera
Superpamilya: Grylloidea
Pamilya: Gryllidae
Bolívar, 1878
Mga subpamilya

Tingnan ang seksiyon ng taksonomiya.

Ang cricket o kamaksi[1] (tinatawag ding kuliglig[2]) ay isang uri ng kulisap na may nanganganinag na mga pakpak. Maingay ang mga ito kung gabi.[2] Kamag-anak sila ng mga tipaklong.

Acheta domesticus, isang laganap na suhong.

Ang mga suhong (Gryllidae; Ingles: cricket) ay kulisap na kamag-anak ng mga tipaklong. Mayroon silang mga mabababang katawan at mahahahabang mga antena. Silay ay namumuhay panggabi ay madalas ikalito sa mga tipaklong dahil sa anyo ng katawan tulad ng mga paang tumatalon. Ang mga suhong ay walang-pinsala sa tao.

Ang mga suhong ay kilala bilang mga alaga, pain sa pangingisda at pagkain ng mga alagang palaka, pagong, butiki atbp. Ang tunog ng paghuni ng mga ito ay ginagamit na sagisag ng katahimikan, kagabihan, paghihintay, pagkabagot o pagkaantala.

Ang mga lalaking suhong lamang ang humuhuni. May apat[3] na uri ng paghuhuni: ang huni ng pag-akit sa mga babae at bilang pagbabala sa mga kapwa-lalaki at ang tunog nito ay malakas; ang huni ng panliligaw kapag may malapit na babae at ang tunog nito ay mahina; ang huni ng pakikipag-away kapag may malapit na kapwa-lalaki; at ang huni ng pag-aasawa matapos ng isang matagumpay na pagtatalik.

Panukat ng Klima

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasasabi ng mga dalubhasa[4] na ang paghuni ng mga suhong ay maaaring magsilbi bilang panukat ng klima (kainitan o kalamigan ng panahon) sa pamamagitan ng paghanap ng sagot sa suliraning ito:

Klima ng hangin oC = (Bilang ng huni bawat minuto / 5) - 9

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "kamaksi, cricket". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 English, Leo James. Diksiyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  3. Cricket_(insect)#Cricket_chirping (sa Ingles)
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-28. Nakuha noong 2011-06-08.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)


Kulisap Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.