Kamina
Kamina | |
---|---|
Mga tropa ng pamahalaan sa Kamina noong 2015 | |
Mga koordinado: 8°44′19″S 24°59′26″E / 8.73861°S 24.99056°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Haut-Lomami |
Taas | 1,100 m (3,600 tal) |
Populasyon (2012) | |
• Kabuuan | 156,761 |
Pambansang wika | Swahili |
Klima | Aw |
Ang Kamina ay kabiserang lungsod ng lalawigan ng Haut-Lomami sa katimugang Demokratikong Republika ng Congo.
Militar
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagtatag ang Sandatahang Lakas ng Belhika ng isang malaking baseng militar sa Kamina kasunod ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang hugnayan ng baseng militar ay binuo ng Base 1, isang baseng panghimpapawid na ginamit para sa pagsasanay sa paglipad, at Base 2, isang pasilidad na nagsasanay ng mga pangkat ng parasyutista. Mula Setyembre 1953 hanggang 1960, pinatakbo ng Advanced Pilots' School ng Hukbong Himpapawid ng Belhika ang 60 mga North American Harvard mula sa base.[1]
Nang nakamit ng Congo ang kalayaan noong 1960, unang napanatili ng Belhika ang pamamahala sa Kamina, sa ilalim ng kasunduan sa pamahalaang Konggoles, ngunit noong 1960 napunta ang pamamahala sa Mga Nagkakaisang Bansa (UN).[2][3] Hindi ito kailanman ay napunta sa pamamahala ng Estado ng Katanga, subalit nasakop ng mga kawal ng Katanga ang kalapit na bayan ng Kaminaville.
Noong unang bahagi ng 1964, ibinigay ng UN ang Kamina sa Sandatahang Lakas ng Congo. Ngayon, ito ay sentro ng "pag-babrassage" para sa unti-unting umuusbong na hukbo ng Demokratikong Republika ng Congo. Ang brassage ay ang proseso na kung saan pinagsasama ang mga mandirigma ng dating mga magkakalabang pangkat ng bansa upang makabuo ng panibagong mga pinagsamang yunit.
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kilala ang Kamina bilang mahalagang pusod ng daambakal. Tatlong mga linya ng Daambakal ng Congo ay tumatakbk pahilaga, pakanluran, at patimog-silangan mula sa lungsod. Mayroon itong dalawang paliparan, isang bayanin (Paliparan ng Kamina)[4] at isang hukbuhin (Himpilang panghimpapawid ng Kamina).[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "EPA a Kamina". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-09-19. Nakuha noong 2019-04-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Quit Congo Again Belgians Told" Montreal Gazette 1 September 1960
- ↑ "500 Troops at Kamina Surrender" Daytona Beach Morning Journal 19 September 1961
- ↑ FZSB-Airport Great Circle Mapper
- ↑ FZSA-Airport Great Circle Mapper
Mga karagdagang babasahin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- J. Temmerman, 'Le Congo: Reduit National Belge,' in Recueil d'etudes <<Congo 1955-1960>>, Academie royale des Sciences d'Outre-Mer (Bruxelles) pp. 413–422 (1992)