Pumunta sa nilalaman

Kapisanan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kapisanan (Ingles: guild) ay isang uri ng samahan, samahang-damayan, o unyon[1] ay maaaring tumukoy bilang isang nilikha ng isip na entidad na kumakatawan sa isang organisasyon na nakasulat sa malalaking mga titik na nakarehistro sa pamahalaan upang umiral na makipagkalakalan sa mundo ng komersiyo, katulad ng isang korporasyon, pundasyon, o panaligan (trust kung tawagin sa Ingles), na isang tao, subalit hindi isang indibidwal. Maaari rin itong tawagin o katumbas ng asosasyon o pamayanan na tinatawag sa Ingles bilang isang society, club, o assemblage, sa diwa ng pagiging isang samahan, kapisanan, o katawan na binubuo ng mga kasapi.[2]

Sa iba pa nitong kahulugan, ang guild ay isang asosasyon ng mga artisano o mga na kumokontrol sa pagsasagawa ng kanilang kagalingan o kasanayan habang nasa loob ng isang bayan. Ang pinakamaaagang mga uri ng guild ay nabuo bilang mga konpraternidad (isang uri ng kapatiran) ng mga manggagawa. Nakaorganisa ang mga ito sa isang paraan na nasa pagitan ng diwa ng pagiging isang kaisahang pangkalakalan, isang kartel, at isang samahang lihim. Madalas na nakadepende ang mga ito sa mga kaloob ng mga patente ng mga liham (isang uri ng kasulatan) na isinulat ng isang monarka o ibang mayroong kapangyarihan upang maisakatuparan ang daloy ng kalakal sa kanilang mga kasaping nagtatrabaho sa pamamagitan ng sariling sikap (hindi nagtatrabaho para sa ibang mga tao), upang mapanatili ang pagiging may-ari ng mga kasangkapan at tinutustos na mga materyal. Ang isang nagtatagal na pamana ng tradisyunal na mga guild ay ang bulwagang pangkapisanan na itinayo at ginamit bilang mga lugar ng mga pulong.

Ang isang mahalagang resulta ng balangkas ng guild ay ang paglitaw ng mga pamantasan sa Bologna, Paris, at Oxford noong humigit-kumulang sa taon ng 1200: nagsimula ang mga ito bilang mga kapisanan ng mga estudyante na noon ay nasa Bologna, o bilang mga maestro (mga master) na noong ay nasa Paris.[3]

Maaari ring ilarawan ang isang guild bilang isang asosasyong boluntaryo ng mga manggagawang may kasanayan (mga craftsman o craftspeople) o may kabihasaan sa isang uri ng larangan. Nagmula sila sa Europa at ipinanganak noong ika-11 daantaon. Ang mga ito ay ilang mga tao na mayroong magkakatulad na kasanayan, kagalingan, o negosyo at bumuo ng isang guild o kapisanan. Sa ganitong paraan, mas madali para sa kanila na itaguyod ang kanilang mga layunin o mga hangarin, halimbawa na ang sa larangan ng politika. Maaaring matyagan sila ng ibang mga tao na gumagawa ng kaparehong hanapbuhay upang matiyak na hindi nila dinaraya ang sinumang mga kostumer o parokyano. Ang pinaka maaagang mga kapisanan ay maaaring nabuo sa India noong humigit-kumulang sa 3800 BK. Ang pagiging miyembro sa isang kapisanan ay naging isang pribilehiyo, na dapat na makamtan.

Naging karaniwan ang mga kapisanang ganito sa mga lungsod noong panahon ng Gitnang Kapanahunan. Pagkalipas niyan, bumaba ang antas ng impluwensiya ng mga kapisanang ito noong humigit-kumulang mula sa dekada ng 1700 hanggang sa dekada ng 1800. Malakas ang naging pagtanggi nina Jean-Jacques Rousseau at Adam Smith sa ideya ng pagkakaroon ng mga guild, sapagkat naniniwala sila na ang mga kapisanang ganito ay nakakasagabal at nakakapigil ng kaunlarang pang-ekonomiya at malayang kalakalan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. guild, lingvozone.com
  2. guild[patay na link], bansa.org
  3. Hastings Rashdall, The Universities of Europe in the Middle Ages: Salerno. Bologna. Paris (1895) p. 150 edisyong online