Kapuluang Britaniko
Itsura
Ang Kapuluang Britaniko (Ingles: British Isles) ay isang kapuluang matatagpuan sa hilagang-kanluraning baybayin ng lupain ng Europa na binubuo ng malalaking pulo ng Gran Britanya at ng Irlanda, at ng higit pa sa anim na libong maliliit na pulo.
Pagkakahating pampolitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Reyno Unido, ang pinagkaisang kaharian ng mga bangsang Inglatera, Eskosya, Gales at Hilagang Irlanda. Mabibilang din dito ang Dependensiya ng Korona na Pulo ng Man.
- Republika ng Irlanda
Mga pulo at mga kapuluang maliliit
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gran Britanya, ang pinakamalaki
- Irlanda, ang pangalawang pinakamalaki
- Pulo ng Man
- Pulo ng Wight
- Anglesey o Anglesea (bigkas: ang-GLE-sya)
- Kapuluan ng Sorlingas
- Kapuluan ng Orcadas (bigkas: OR-ka-das)
- Kapuluan ng Shetland
- Kapuluan ng Hebridas (bigkas: EB-ri-das)
- Pulo ng Portland
at maraming iba pang mga pulo sa paligid ng Gran Britanya at ng Irlanda.
Kapuluan ng Canal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kapuluan ng Canal, o kapuluang Anglonormandas[1] (bigkas: ang-glo-nor-MAN-das) ay sa katunayan hindi bahagi ng Kapuluang Britaniko, kung heyograpiya ang pag-uusapan. Gayumpaman, dahil ito ay isang Dependensiya na Korona, ito ay kung minsan itinuturing na bahagi ng pangkalahatan (makroarkipielago).
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Islas Británicas (sa Kastila)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.