Pumunta sa nilalaman

Scotland

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kapuluan ng Shetland)
Scotland
Alba
Watawat ng Eskosya
Watawat
Eskudo ng Eskosya
Eskudo
Salawikain: 
In My Defens God Me Defend
"Diyos ang aking tanggulan"
Awiting Pambansa: 
Iba't iba
Malimit na Flower of Scotland
Kinaroroonan ng  Eskosya  (madilim na lunti)

– sa lupalop ng Europa  (lunti & madilim na abo)
– sa Nagkakaisang Kaharian  (lunti)

Katayuanbansa
KabiseraEdinburgh
55°57′11″N 3°11′20″W / 55.95306°N 3.18889°W / 55.95306; -3.18889
Pinakamalaking lungsodGlasgow
Mga WikaIngles (English)
Mga kinikilalang wika
Pangkat-etniko
(2011)
  • 96.0% Puti (White)
  • 2.7% Asyano (Asian)
  • 0.7% Itim (Black)
  • 0.4% Nalahian
  • 0.2% Arabo (Arab)
  • 0.1% iba pa
KatawaganEskoses (Scots/Scottish)
PamahalaanPamahalaan ng Eskosya sa loob ng Pamamahala ng United Kingdom
LehislaturaBatasang Eskoses
Pagkakabuo
• Itinatag
ika-9 na siglo
noong 843
• Pagkakaisa sa Inglatera
1 Mayo 1707
• Pagkakaatang
19 Nobyembre 1998
Lawak
• Lupa
77,933 km2 (30,090 mi kuw)[1]
Populasyon
• Pagtataya sa 2017
Increase 5,424,800[2]
• Senso ng 2011
5,313,600[3]
• Densidad
67.5/km2 (174.8/mi kuw)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2013
• Kabuuan
$245.267 gatos[4]
• Bawat kapita
$45,904[4]
Tala: Kasama sa mga bilang na ito ang mga kinita mula sa langis at gas ng Dagat Hilaga.

Ang Scotland o Eskosya (Scottish Gaelic: Alba) ay isang bansang administratibo ng United Kingdom na sumasakop sa hilagang katlo ng pulo ng Kalakhang Britanya.[5][6][7] Matatagpuan ang England sa hangganang timog nito at napapalibutan na ito ng Karagatang Atlantiko kung saan ang Dagat Hilaga ay nasa silangan at ang Bangbang Hilaga at Dagat Irlandes ay nasa timog kanlurang bahagi. May 790 mga pulo ang Eskosya na kinabibilangan ng Kapuluang Kahilagaan at ng Hebrides.

Ang kabisera nito ay ang Edinburgh. Ito ang pangalawang pinakamalaking lungsod at pusod ng Scottish Enlightenment noong ika-18 siglo, na nagbigay-raan upang magíng isá sa mga sentrong komersiyal, intelektuwal, at industriyal ang Eskosya sa Europa. Glasgow ang pinakamalaking lungsod ng Eskosya[8] at isa sa dating nangungunang industriyal na lungsod sa buong mundo at ngayon nasa sentro ng Kalakhang Glasgow.

Malaking bahagi ng Hilagang Atlantiko at North Sea ang nasasakupan ng karagatan ng Eskosya,[9] kung saan matatagpuan ang pinakamalaking reserba sa langis sa European Union. Bunsod nito, tinagurian ang Aberdeen, ay ang ikatlong pinakamalaking lungsod ng Eskosya at ang kabisera ng langis ng Europa.[10]

Ang Kaharian ng Eskosya ay naging isang malayang estado noong Simula ng Gitnang Panahon at nagpatuloy hanggang 1707. Ito'y pumasok sa isang unyong personal kasama ang mga kaharian ng Inglaterra at Irlanda, kasunod ng pagmana ni James VI ng trono ng Inglaterra at Irlanda noong 1603, kalaunan pumasok sa unyong politikal ang Eskosya sa Ingletarra noong 1 Mayo 1707 upang lumikha ng isang Kaharian ng Kalakhang Britanya.[11][12] Ang unyong ito ay bunsod ng Treaty of Union na pinagkasunduan noong 1706 at pinagtibay ng kambal na Acts of Union na ipinasa ng mga Parlamento ng dalawang bansa, sa kabila ng malawakang oposisyon dito at kaguluhan na kontra-unyon sa Edimburgo, Glasgow at kung saan-saan pa.[13][14] Ang Kalakhang Britanya naman ay pumasok sa unyong politikal kasama ang Irlanda noong 1 Enero 1801 upang likhain ang United Kingdom of Great Britain and Ireland.

Nananatiling hiwalay sa England at Wales at Northern Ireland ang sistemang legal ng Eskosya, at ang Eskosya din ay may natatanging hurisdiksiyon sa pampubliko at pampribadong batas.[15] Ang patuloy na pagpapanatili ng mga institusyong legal, edukasyonal, at relihiyoso, na hiwalay sa ibang bahagi ng NK, ay nakatulong sa pagpapatuloy ng kultura at pambansang pagkakakilanlan ng mga Scottish, mula noong pagsasanib ng 1707.[16] Noong 1999, matapos ang referendum noong 1997, ibinalik at nagpulong-muli ang Parlamento ng Eskosya, na may malawak na kapangyarihan sa pagpapasiya ng mga domestikong paksa at usapin. Noong Mayo 2011, nanalo ng pangkalahatang mayorya ang Scottish National Party sa Parlamento ng Eskosya. Dulot nito, isang referendum tungkol sa kasarinlan ng Eskosya ang gaganapin sa 18 Setyembre 2014.[17][18]

Ang Eskosya ay kasaping bansa ng British–Irish Council,[19] at ng British–Irish Parliamentary Assembly. Kinakatawan ang Eskosya ng anim na MEP sa Samahang Europeo at sa European Parliament.[20]

Ang pangalang Scotland ay nangaling mula sa Scoti, ang pangalang Latin para sa mga Gaels. Nagbakasakali sa Philip Freeman na posibleng ginamit ng grupo ng mananalakay ang isang pangalan na naguugat mula sa pamilya ng wika na Indo-European, ito ay ang skot na maaaring maihambing sa salitang Griyego na skotos na ang ibig sabihin ay "kadiliman o pagluluksa". Ang salitang Latin na Scotia (lupain ng mga Gaels), ay dating tinutukoy ang Irlanda. Noong ika-11 na siglo, ang tinutukoy ng Scotia ay ang Eskosya na nasa hilaga ng Ilog Forth, sa tabi ng Albania o Albany, na parehas na nagmula sa salitang Alba. Ang mga salitang Scots at Scotland ay tinutukoy ang buong lupain ng Eskosya, ito ay naging karaniwan noong Late Middle Ages.

Sinaunang Eskosya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang bahay sa Skara Brae

Noong panahon ng Ice Age wala pang naninirahan sa Eskosya. Ngunit noong natunaw ang yelo at kumalat ang mga puno upang bumuo ng mga kagubatan sa buong Eskosya tumira dito ang mga mangangaso. Noong 6,000 BC, isang grupo ng tao ang naninirahan sa Eskosya, at nangangaso ng mga pulang usa, dugong, at ng mga prutas upang makakain.

Noong 4,500 BC ang pagsasaka ay ipinakilala sa Eskosya. Ang mga sinaunang magsasaka ay nagpatuloy na gumamit ng mga kagamitan at mga sandata na gawa sa bato ang panahon na ito ay tinatawag na Panahong Neolitiko. Ang mga tao noong Panahong Neolitiko ay gumamit ng palakol na gawa sa bato o kaingin upang tangalin ang kagubatan upang gamitin sa pagsasaka, nagtanim sila ng trigo, sebada, at senteno. Nag-aalaga rin sila ng mga baka at mga tupa. Tumira sila sa mga bahay na gawa sa bato na may bubong na gawa sa damo. Isa sa mga halimbawa ng mga nayon noong Panahong Neolitiko ay natagpuan sa Orkney pagkatapos ng isang bagyo noong 1850. Ang mga bahay ay mayroon ring batong salansanan at mga upuan. Mayroon rin silang mga higaang gawa sa bato na may nakapatong na dayami. Ang mga tao ng Skara Brae, na nasa Orkney ay gumamit ng pasong sisidlan at mga daanang may talukbong. Ang Maes Howe na nasa Orkney rin ay nagdisenyo ng mauseleo upang ang araw ay maliwanagan ang pasilyo sa taglamig

Noong 1,800 BC, ang mga tao ng Eskosya ay natutunan gumawa ng tanso. Ang mga tao noong Panahon ng Tanso ay patuloy na nanirahan sa maliliit na bahay, ngunit sikat sila sa kanilang batong monumento. Inayos nila ang mga bato sa pabilog na ayos.[21]

Mga Picts at ang Panahong Romano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga Picts ay nakatira sa pabilog na mga bahay na gawa sa bato at kahoy. Ang ilang Picts ay nakatira sa mga crannogs, ito ay mga kubo na itinayo sa mga lawa. Ang mga pinunong ng Picts ay nagtayo ng mga kuta na gawa sa bato, kahoy at lupa. Ang mga magsasakang Pict ay nag-aalaga rin ng baka, baboy at tupa. Nangisda din at nangaso ng mga usa, dugong at mga ibon. Nagtanim rin sila ng trigo, sebada, at senteno. Nangolekta rin sila ng mga prutas tulad ng crab-apples, sloes, raspberries, blackberries at mga damsons.

Bagama't ang karamihan ng mga Picts ay magsasaka, ilan ay nagtrabaho bilang manggagawa tulad ng panday, panday-tanso, panday-ginto at magpapalayok. Ang mga Picts ay mahusay sa paggawa ng mga alahas. Nagukit rin sila ng mga larawan sa bato. Ang mga Picts ng mataas na posisyon ay ginastos ang kanilang panahon sa pagangaso sa kabayo at pangangaso gamit ang falcon. Sa gabi sila ay nagiinuman at nagpipista.

Ang mga Romano ay sinakop ang Eskosya noong 80 AD na pinamumunuan ni Agricola. Nagtungo sila timog Eskosya at tumungo pahilaga. Noong 84 AD natalo ng mga Romano ang mga Picts sa isang lugar na may pangalang Mons Grampius. Gayunpaman, ilang taon pagkatapos ng digmaan, umalis ang mga Romano, at noong 123 AD si Emperor Hadrian ay nagtayo ng pader upang palabasin ang mga Picts.

Noong ika-2 na siglo ang mga Romano ay ulit na sumulong, at noong 140 AD itinayo nila ang Antonine Wall mula Clyde patungong Forth. Gayunpaman, iniwanan ng mga Romano ang Antonine Wall noong 196 AD. Pagkatapos, ang Hadrians Wall ay naging huling hangganan. Ang mga Romano ay muling sumulong tungong Eskosya noong 209 AD, ngunit pansamantala lamang. Noong 367-368, ang mga Picts ay nakisama sa isang pagsalakay sa Roman Britain.

Noong ika-6 na siglo isang grupo ng tao galing sa Irlandes na tawag na Scots ay sinakop ang Eskosya. Nanirahan sila sa Argyll and Bute at itinatag ang Kaharian ng Dal Riata.

Samantala ang mga Kristiyanong misyonaryo ay ikinonberta ang mga Picts bilang mga Kristiyano. Ilang Picts sa timog-silangang Eskosya ay tinangap ang Kristiyanismo noong ika-5 siglo. Si Columba na pumunta doon noong 563 ay ikinonberta ang timog-kanlurang Eskosya bilang mga Kristiyano. Itinayo niya ang isang monasteriyo sa Iona, na naging importante sa kasaysayan ng Kristiyanismo sa Britanya. Noong ika-6 at ika-7. Kumalat ang Kristiyanismo, at noong huling bahagi ng ika-7 siglo, ang buong Eskosya ay Kristiyano.

Noong ika-6 na siglo ang Hilagang-Silangang Inglatera ay isinakop ng mga Angles, at itinatag nila ang Kaharian ng Northumbria. Noong maagang bahagi ng ika-7 na siglo, pinalawak ng mga Northumbrians ang kanilang teritoryo patungong timog-silangang Eskosya at nakaabot sa Dunbar at Edinburgh. Noong 843 AD, si Kenneth MacAlpin na hari ng Kaharian ng Dal Riata, na naging hari rin ng mga Picts ng hilaga at sentral na bahagi ng Eskosya. Kaya ang mga Scots at Picts ay nagsama upang bumuo ng isang kaharian. Ngunit ang sakop ng kaharian na ito ay sa hilaga ng Clyde at Forth lamang. Pinamumunuan ng mga Ingles ang timog-silangang Eskosya hanggang 1018, noong sinakop ito ng mga Scots. Ang timog-kanlurang Eskosya at ang Cumbria ay bumuo ng hiwalay na kaharian na may pangalan na Strathclyde. Ngunit noong 1018, ito ay naging bahagi ng Eskosya.

Samantala hinarap ng mga Eskoses ang isa nanamang banta, ang mga Vikings. Sinalakay nila ang isang monasteriyo sa Iona noong 795 AD. Noong maagang bahagi ng ika-9 na siglo, ang mga Vikings ay nanirahan sa Shetland at Kapuluan ng Orkney. Nanatili rin sila sa Hebrides, Caithness at Sutherland noong ika-9 na siglo.

Noong 1034, si Duncan ay naging hari ng Eskosya. Ngunit pinalitan siya ni Macbeth

Mga Gitnang Panahon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga kaharian sa Eskosya noong Gitnang Panahon

Noong 1066, sinakop ng mga Normando mula sa hilagang Pransya, ang Inglaterra. Naramdaman rin ang kulturang Normando sa Eskosya. Noong 1069, si haring Malcolm ay pinakasalan ang babaeng Ingles na si Margaret, na nagtaguyod ng mga paraang Normando sa mga hukumang Eskoses. Si haring Malcolm ay pinatay sa isang digmaan laban sa Ingles noong 1093 sa Alnwick.

Sa mga administrasyon ng kaniyang tatlong anak na si Edgar (1097-1107), Alexander (1107-1124), at David I (1124-1153) ang impluwensiyang Normando ay tumaas. Sa pamumuno ni David I, maraming Normando ang tumira sa Eskosya. Ang pamahalaan ay nireporma. At noong ika-12 na siglo maraming mga bayan at nayon ang itinatag sa Eskosya, at lumaganap ang kalakalan. Si David I, ang unang hari na nagpaggawa ng mga barya.

Ngunit ang mga haring Eskoses ay may kaunting kapangyarihan. Sa hilaga at sa kanluran ang mga pinuno ng mga katutubo ay palaging nagrerebelde noong ika-12 at 13 na siglo. Noong 1265 nasakop ng Eskosya ang Western Island na dating pinamumunuan ng Norway. Dahil sa Kasunduan ng Perth noong 1266 isinuko ng mga Norwegians ang kanilang mga teritoryo sa Eskosya maliban sa Shetlands at sa Orkney.

Noong 1286, ang kabayo ni Alexander III ay nahulog sa kadiliman at siya'y napatay. Ang kaniyang tagapagmana na si Margaret na nakatira sa Norway ay namatay sa biyahe papuntang Eskosya noong 1290. Ngayon marami nang nag-aangkin sa trono. Ang obispo ng St. Andrew ay kinahilingan na magpasya si Edward I. Si Edward ay masaya makitulong at pinili si John Balliol na kinorohanan noong 1292. Si Edward ay inangkin ang pagkapanginoon(overlord) ng Eskosya, at ipinaliwanag na gusto nya lang maging manika si Balliol. Noong 1295 sinubukan ni Edward I isama ang Eskosya sa digmaan laban sa Pransya. Si Balliol ay nagrebelde at bumuo ng alyansa kasama ang Pransya. Ngunit sinalakay ni Edward ang Eskosya sa 1296. Si Balliol ay nahuli at pinwersa na sumuko. Sinubukan ni Edward na pamunuan ang Eskosya na walang manika. Pinwersa niya ang maraming maharlika at may-ari ng lupa at magpasakop sa kaniya sa Berwick. Pagkatapos naglagay siya ng opisyal na Ingles upang pamunuan ang Eskosya, at siya ay umalis.

Ngunit ang mga Eskoses ay hindi nagpailalim nang ganun kadali. Maraming nagmamayari ng lupa ang sumama sa rebelyon na pinamumunuan ni William Wallace. Noong 1297, natalo ni Wallace ang mga Ingles sa Tulay ng Stirling. Ngunit ang mga Ingles ay nanalo sa digmaan sa Falkirk noong Hulyo 1298. Ngunit ang mga Eskoses ay patuloy na lumaban sa mga Ingles na nasakop lamang ang timog-silangan ng Eskosya. Si Wallace ay nahuli noong 1305 at pinatay.

Mula 1306 si Robert the Bruce, na kinorohanang hari ng Eskosya, ay namuno sa isang resistance. Ang numero ng tao sa Scottish Resistance ay tumaas at si Edward I ay namatay noong 1307. Noong 1314, ang mga Ingles ay natalo sa Digmaan ng Bannockburn. Ang kalayaan ng Eskosya ay kinilala ng mga Ingles dahil sa Kasunduan ng Nothampton noong 1328. Ngunit ang kasunduan ay hindi nagbigay ng kapayapaan. Si Robert the Bruce ay namatay noong 1329 at ang kaniyang anak na limang taong gulang ay naging David II. Ngunit sa Inglatera may mga maharlikang Eskoses na binawian ng mga lupa sa Eskosya dahil sa pagsuporta sa Ingles. Sinusubukan na nilang gawing hari ng Eskosya ang anak ni John Balliol na si Edward. Sinakop nila ang Eskosya sa dagat at tinalo ang isang hukbo na kanilang sinalubong. Nagtungo sila papuntang Scone kung saan kinorohanan si Edward Balliol. Sinubukan nilang panalunin ang suporta ng Ingles at pinangako ang Berwick. Ngunit pinaalis si Balliol sa Eskosya.

Ang mga Ingles ay sinakop ang Berwick at ang Timog Eskosya. Si Haring David ay idinala sa Pransya para sa kaniyang kaligtasan. Ngunit noong 1338, ang mga Ingles ay nakikipag digmaan sa Pransya kung saan pinuwersa sila na umalis sa Eskosya. Tapos noong 1346, ang Hari ng Pransya ay humingi ng tulong sa mga Eskoses. Sinakop ni David ang Inglatera ngunit siya ay natalo at nahuli sa Neville's Cross. Pinakawalan si David noong 1357, dahil ito'y itinubos siya ng mga Eskoses. Namatay siya noong 1371.

Sa huling bahagi ng Gitnang Panahon ang mga haring Eskoses ay mayroong kaunting kapangyarihan at ang mga baron ay minsan umaakto bilang malayang pinuno. Ang Eskosya ay nagdusa sa kawalan ng mga batas. Ngunit ang mga burgh ay lumaganap, at ang unang unibersidad ng Eskosya ang St. Andrew's University ay itinatag noong 1413. Noong huling bahagi ng ika-14 at ika-15 na siglo minsanang pagdidigmaan ng Eskosya at Inglatera ay natuloy

Ika-16 na siglo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Haring James IV (1488-1513) ay nagbalik ng kaayusan. Ang kaniyang administrasyon ay isang mahalagang panahon para sa panitikan, at ang unang printing press ay itinayo sa Edinburgh noong 1507. Ang Unibersidad ng Aberdeen ay itinatag noong 1495 at noong 1496 isang batas ay ipinasa na nagsasabing lahat ng taong nagmamayari ng lupa na ipadala ang kanila pinakamatandang anak sa paaralan.

Noong 1503, pinakasalan ni James si Margaret, anak ni Haring Henry VII ng Inglatera. Noong 1511, nagtayo siya ng malaking barko na may pangalan na Great Michael. Sinalakay niya ang Inglatera noong 1513. Ang mga Eskoses ay natalo sa Digmaan ng Flooden at namatay si James. Ang kaniyang tagapagmana na si James V at hindi nagsimulang pamunuan ang Eskosya hanggang 1528. Sinakop ng Eskosya ang Inglatera noong 1542, ngunit natalo sa Digmaan ng Solway Moss noong Nobyembre. Ang hari ay namatay noong Disyembre 1542 habang bata palang.

Ang trono ay ipinasa kay Mary, Queen of Scots, kung saan isa paring sanggol. Si Henry VII gusto ang kaniyang anak na pakasalan si Mary. Ang Regent ng Eskosya, ang Earl of Arran ay pinirmahan ang Kasunduan ng Greenwich noong 1543, na sumasang-ayon sa kasunduan. Ngunit noong Nobyembre ng 1543, ang Parlyamento ng Eskosya ay itinakwil ang kasunduan. Kaya noong 1544 at 1545, sinalakay ng mga Ingles ang Timog Eskosya at sinira ito. Ang Eskosya ay sinalakay ulit ng mga Ingles, at natalo ang mga Eskoses sa digmaan sa Pinkie. Sinakop ulit ng mga Ingles and Eskosya noong 1548, kaya idinala si Mary sa Pransya kung saan pinakasalan niya ang isang prinsipeng Pranses.

Noong ika-16 na siglo ang Eskosya, maraming kaisipang Protestante ang pumasok sa Eskosya. Noong 1557, isang grupo ng maharlikang Eskoses ay nagkitakita at pinirmahan ang isang covenant upang itangkilik ang mga turong Protestante. Ngunit ang pinaka importanteng tao sa Repormasyon ay si John Knox (1502-1572). Noong 1559, nagbalik siya mula sa Geneva kung saan nagaral siya ng mga turo ni John Calvin. Ang kaniyang mga turo ay nanalo at maraming mga Eskoses ay naging Protestante.[22]

Ika-18 na siglo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 22 Hulyo 1706. Ang Tratado ng Union ay pinag- ng Parlyamentong Eskoses at Parlyamento ng Inglatera. Sa susunod na taon, ang kakambal na Acts of Union ay ipinasa ng parehong parlyamento upang maibuo ang Kaharian ng Great Britain na umepekto noong 1 Mayo 1707 na may mga pag-aalsa para sa oposisyon sa Edinburgh, Glasgow at kung saan-saan.

Kasama sa pag-alis ng mga tariffs, umunlad ang kalakalan, sa America. Ang mga clippers na pagaari ng mga Glasgow Tobacco Lords ay ang pinakamabibilis na mga barko na bumabiyahe papuntang Virginia. Ang pagkakahati ng kayamanan sa gitna ng mga Scottish Lowlanders at Scottish Highlanders ay tumaas.

Ang satelite map ng Eskosya

Ang Eskosya ay binubuo ng hilagang bahagi ng pulo ng Great Britain, na nasa baybayin ng Hilagang-Kanlurang bahagi ng Europa. Ang total na sukat ng Eskosya ay 77,933 km^2 (30,414 sq mi), maihahambing ito sa Czech Republic. Ang iisang land border nito ay sa Inglatera, at tumatakbo ng 96 km (60 mi), na nasa palanggana sa gitna ng Ilog Tweed sa silangang baybayin at Solway Firth sa kanlurang baybayin. Ito ay pinapaligiran ng Dagat Atlantiko sa kanluran at Dagat Hilaga sa silangan. Ang pulo ng Irlandes ay 21 km (13 mi) mula sa timog-kanlurang tangway ng Kintyre. Ang Norway ay 305 km (190 mi) sa silangan at ang Kapuluan ng Faroe ay 270 km (168 mi) sa hilaga.

Ang heograpiya ng Eskosya ay binubuo ng mararaming bundok. Ang hilagang bahagi ang pinakamabundok na bahagi ng Eskosya. Ang kabundukan ng Grampian ay umaabot mula hilagang silangan hanggang sa timog kanluran ng Eskosya. Ang Eskosya ay mayroong 800 mga pulo, ang mga malalaking kapuluan dito ay ang Inner at Outer Herbrides at Shetlands. Ang Gitnang Eskosya naman ay ginagawa ng malalawak na patag. Ang timog na bahagi naman ay maburol at may mga luntiang lambak. Ang Ilog Clyde at Ilog Tweed ang pinakamahahabang mga ilog sa Eskosya.[23]

Ang klima ng Eskosya ay temperate at oceanic at laging nag-iiba.[24] Ang mataas na pangkaraniwang temperatura sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo ay umaabot sa 7 °C hanggang 13 °C. Ang mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto naman ay ang pinakamaiinit na mga buwan sa buong taon at umaabot sa 15°°C hanggang sa 17 °C. Sa Setyembre, Oktubre at Nobyembre naman ay 8 °C hanggang 14 °C. Sa Disyembre, Enero at Pebrero ang pinakamalamig na mga buwan sa buong taon ang pinakamataas na pangkaraniwang temperatura ay umaabot sa 5 °C.[25] Ito ay may parehong latitud tulad ng Labrador sa Canada, timog na bahagi ng Scandinavia, ang rehiyon ng Moscow, at ang Tangway ng Kamchatka parehas na nasa Russia.

Ang populasyon ng Eskosya noong konsenso ng 2001 ay 5,062,011. Ito ay tumaas at umabot sa pinakamataas na bilang na 5,295,400 noong konsenso ng 2011. Ang pinakabagong pagtatanya ng ONS para sa gitnang bahagi ng 2017 ay 5,424,800.

Noong konsenso ng 2011, 62% ng Eskosya ang nagsasabi na sila ay Eskoses lamang, 18% ay nagsasabing sila ay Eskoses at British, 8% ang British lamang, at 4% ang ibang lahi.

Bagaman ang Edinburgh ang kaniyang kabisera ng Eskosya, ang pinakamalaking lungsod ay Glasgow, na mayroong 584,000 na naninirahan. Ang Kalakhang Glasgow, na may 1.2 milyon na naninirahan ay isinasaloob ang sangkapat ng buong populasyon ng Eskosya. Ang Central Belt ay kung saan napapaloob ang mga malalaking lungsod ng Eskosya tulad ng: Edinburgh, Glasgow at Dundee. Ang pinakamalaking lungsod sa Scotland na wala sa Central Belt ay ang Lungsod ng Aberdeen. Ang Scottish Lowlands ay naglalaman ng 80% ng buong populasyon ng Eskosya, kung saan ang Central Belt ay naglalaman ng 3.5 milyong katauhan.

Ang mga lupaing may namamahayan ay ang mga lugar na maaaring mapuntahan at mga malalaking pulo. Sa kasalukuyan mas kaunti sa 90 mga pulo ang pinamamahayan. Ang Southern Uplands ay rural at ang mga industriya ng agrikultura at pangangahoy ay nangingibabaw. Dahil sa problema sa mga bahay sa Edinburgh at Glasgow, limang bagong bahay ang itinatag mula noong 1947 hanggang 1966. Ito ay ang: East Kilbride, Glenrothes, Cumbernauld, Livingston, at Irvine.

Ang imigrasyon papuntang Eskosya mula noong World War II, ay nagbigay sa Glasgow, Edinburgh, at Dundee ng malalaking komunidad ng mga taong galing South Asia. Noong 2011, may tinatayang 49,000 na Pakistani na nakatira sa Eskosya, at ginagawa silang pinakamalaking grupo ng tao na hindi puti. Magmula noong paglaki ng European Union maraming tao mula Sentral at Silangan Europa ay lumipat papuntang Eskosya, at ang konsenso ng 2011, ang nagsasabing 61,000 mga Polaka (mamamayan ng Poland) ang nakatira dito.

Ang pinuno ng estado ng United Kingdom ay ang isang monarkiya, kasalukuyang si Queen Elizabeth II (mula noong 1952). Ang pagnunumero sa monarkiya ay nagdulot ng kontrobersiya sa Eskosya, dahil wala pang naging Elizabeth I sa Scotland.

Ang Pamahalaan ng Eskosya ay pinamumunuan ng First Minister, na pumipili ng mga ministro ng gabinete, na dumadalo sa gabinete, at mga ministro na may pagpapayag ng parlyamento[26]. Lahat ng mga ministro ng pamahalaan ay nakaupo sa parlyamento at may pananagutan dito. Ang pamahalaan ay nakasalalay sa parlyamento upang makapagpasa ng pangunahing batas.[27]

Mga Subdibisyon ng Eskosya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Eskosya ay binubuo ng 32 na council areas

Ang banko ng Eskosya

Ang Eskosya ay mayroong Western-style Open Mixed Economy na magkaugnay sa Reino Unido at sa buong mundo. Ang ekonomiya ng Eskosya ay binubuo ng heavy industries tulad ng paggawa ng barko, paggawa ng metal at pagmimina ng coal. Ang pagkatuklas ng petrolyo sa Hilagang Dagat ay ang pinakamalaking at pinakaimportanteng employer sa Eskosya. Noong Dekada '70 at 80's lumipat ang focus ng ekonomiya mula sa pagmamanupaktura tungo sa ekonomiyang nakasalalay sa serbisyo. Ang gross domestic product ng Eskosya, kasama ang langis at gasolina na nangaling sa katubigan ng Eskosya, ay tinatansyang £150 bilyon sa taong 2012. Noong 2014 ang per capita GDP ng Eskosya ay isa sa pinakamataas sa EU.[28] Noong Abril ng 2019 ang bilang ng walang trabaho sa Eskosya ay 3.3% sa ibaba ng bilang sa buong UK na 3.8%, at ang bilang ng may trabaho ay 75.9%.[29][30]

Tignan din:Kultura ng Scotland

Isang Scottish Bagpiper

Ang Eskosya ay kilala sa kanyang tradisyunal na musika. Ito ay naimpluwensiyahan ng tradisyunal na musika ng mga Ingles at ng mga Irlandes. Kahit na sa paglaki ng bilang ng mga tao na pumupunta sa Eskosya mula sa iba't ibang bansa at mga rehiyon sa mundo, maraming aspeto ng Musika ng Eskosya ang nanatili. Maraming tao ang nag-uugnay ang supot na pipa sa tradisyunal na musika ng Eskosya.[31] Ang ibang instrumento sa musika ng Eskosya ay ang clàrsach, fiddle at ang accordion. Mayroong maraming mga banda at mga indibidwal na artista na Eskoses na mayroong iba't ibang istilo ng musika tulad nina: Annie Lennox, Amy Mcdonald, Runrig, Belle and Sebastian, Boards of Canada, Camera Obscura, Cocteau Twins, Deacon Blue, Franz Ferdinand, Susan Boyle, Emeli Sandé, Texas, The View, The Fratellis, Twin Atlantic at Biffy Clyro. Ang ibang musikero ay sina: Shirley Manson, Paolo Nutini, Andy Stewart, at Calvin Harris.[32][33]

Sikat na manunulat na si John Burns

Ang panitikan ng Eskosya ay mga sulatin na isinulat ng mga naninirahan sa Eskosya sa Wikang Eskoses o sa Gelikong Eskoses. Ang mga sikat na kontemporaryong manunulat sa Eskosya ay sina: James Kelman, AL Kennedy, Ali Smith, Jackie Kay, Kate Atkinson, Iain Banks, Janice Galloway, Liz Lochhead, Alasdair Gray, Gregory Burke, Irvine Welsh, Andrew O'Hagan, James Robertson, Don Paterson, Kathleen Jamie, Douglas Dunn, Edwin Morgan, John Burnside at marami pang iba.[34]

Ang Highland Dress ang tradisyunal na pananamit ng Highland at mga Isla ng Eskosya ito ay ginagawa ng; kilt o trews, belt, sporran, sgian-dubh, knee socks, garter, clan badges at kilt pins.[35] Ang pangunahing desenyo ng kilt ay isang tartan. Ang isneyo ng tartan ay depende kung saan pamilya o Scottish clan nangaling ang manunuot/

Imprastraktura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya ng Eskosya ay mula sa renewable energy(42%), nuclear(35%) at, fossil fuel(22%).[36].

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangunahing transportasyon sa Eskosya ay ang Panghimpapawid, Daanan, Riles at sa Tubig.

Panghimpapawid

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Eskosya ay may limang paliparang pang-internasyonal, na lumilipad sa Europa, Hilagang Amerika, Asya at sa Wales, England at Northern Ireland.

  • Paliparan ng Aberdeen
  • Paliparan ng Edinburgh
  • Paliparan ng Glasgow
  • Paliparan ng Glasgow Prestwick
  • Paliparan ng Inverness

Ang Highlands and Islands Airport company ay ang nagpapatakbo ng labing isang paliparan sa Highlands, Orkney, Shetland at Western Isles na ginagamit sa maikling distansya at serbisyong pampubliko, bagaman ang Paliparan ng Inverness ay lumilipad sa mga destinasyon sa UK at sa Europa.

Ang Paliparan ng Edinburgh ang pinaka-abala o pinaka-busy na paliparan sa Eskosya, at ika-6 sa buong United Kingdom.

Ang mga highways at mga malalaking daanan sa Eskosya ay pinamamahalaan ng Transport Scotland.[37] Ang natitirang mga daanan ay pinamamahalaan ng lokal na awtoridad sa bawat lugar.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Region and Country Profiles, Key Statistics and Profiles, October 2013, ONS. Retrieved 9 August 2015.
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang ONS-pop-ests-June2018); $2
  3. "Population estimates by sex, age and administrative area, Scotland, 2011 and 2012". National Records of Scotland. 8 Agosto 2013. Nakuha noong 8 Agosto 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Scottish Government. "Key Economy Statistics". Nakuha noong 22 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Countries of the UK". Office for National Statistics. Nakuha noong 24 Hunyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Countries within a country". 10 Downing Street. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Abril 2010. Nakuha noong 24 Agosto 2008. The United Kingdom is made up of four countries: England, Scotland, Wales and Northern Ireland{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "ISO 3166-2 Newsletter Date: 28 November 2007 No I-9. "Changes in the list of subdivision names and code elements" (Page 11)" (PDF). International Organization for Standardization codes for the representation of names of countries and their subdivisions – Part 2: Country subdivision codes. Nakuha noong 31 Mayo 2008. SCT Scotland country{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "A quick guide to glasgow". Glasgow City Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Hunyo 2013. Nakuha noong 20 Hunyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. The Scottish Adjacent Waters Boundaries Order. London: The Stationery Office Limited. 1999. ISBN 0-11-059052-X. Nakuha noong 20 Setyembre 2007.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Our City". Aberdeen City Council. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Setyembre 2010. Nakuha noong 1 Disyembre 2009. Aberdeen's buoyant modern economy – is fuelled by the oil industry, earning the city its epithet as 'Oil Capital of Europe'{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Keay, J. & Keay, J. (1994) Collins Encyclopaedia of Scotland. London. HarperCollins. Pages 734 and 930.
  12. Mackie, J.D. (1969) A History of Scotland. London. Penguin.
  13. Devine, T. M. (1999). The Scottish Nation 1700–2000. Penguin Books. p. 9. ISBN 0-14-023004-1. From that point on anti-union demonstrations were common in the capital. In November rioting spread to the south west, that stronghold of strict Calvinism and covenanting tradition. The Glasgow mob rose against union sympathisers in disturbances that lasted intermittently for over a month{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Act of Union 1707 Mob unrest and disorder". London: The House of Lords. 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2008. Nakuha noong 23 Disyembre 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Collier, J. G. (2001) Conflict of Laws (Third edition)(pdf) Cambridge University Press. "For the purposes of the English conflict of laws, every country in the world which is not part of England and Wales is a foreign country and its foreign laws. This means that not only totally foreign independent countries such as France or Russia ... are foreign countries but also British Colonies such as the Falkland Islands. Moreover, the other parts of the United Kingdom – Scotland and Northern Ireland – are foreign countries for present purposes, as are the other British Islands, the Isle of Man, Jersey and Guernsey."
  16. Devine, T. M. (1999), The Scottish Nation 1700–2000, P.288–289, ISBN 0-14-023004-1 "created a new and powerful local state run by the Scottish bourgeoisie and reflecting their political and religious values. It was this local state, rather than a distant and usually indifferent Westminster authority, that in effect routinely governed Scotland"
  17. "Scotland: Independence Referendum Date Set". BSkyB. 21 Marso 2013. Nakuha noong 4 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Gardham, Magnus (2 Mayo 2011). "Holyrood election 2011: Alex Salmond: Referendum on Scottish independence by 2015". Daily Record. Scotland. Nakuha noong 14 Oktubre 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Scotland / Alba". British-Irish Council. Nakuha noong 4 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Scottish MEPs". Europarl.org.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Mayo 2014. Nakuha noong 26 Mayo 2014. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. https://www.scotland.org/features/ancient-history-of-scotland%7CAncient[patay na link] History of Scotland
  22. http://www.localhistories.org/scotland.html
  23. https://www.worldatlas.com/webimage/countrys/europe/scotland/uksland.htm
  24. https://en.wikipedia.org/wiki/Scotland#Climate
  25. https://www.visitscotland.com/about/practical-information/weather/
  26. https://firstminister.gov.scot/
  27. https://en.wikipedia.org/wiki/Scottish_Government
  28. https://www.telegraph.co.uk/finance/economics/11084406/The-Scottish-economy-in-ten-essential-charts.html
  29. https://www.bbc.co.uk/news/uk-scotland-scotland-business-4859402
  30. https://en.wikipedia.org/wiki/Scotland#Economy
  31. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-07-07. Nakuha noong 2019-12-25.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. https://www.list.co.uk/article/2658-belle-and-sebastian-revealed-as-best-scottish-band-of-all-time/
  33. https://en.wikipedia.org/wiki/Scotland#Culture
  34. https://www.scotland.org/about-scotland/culture/literature
  35. https://en.wikipedia.org/wiki/Highland_dress
  36. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-01-14. Nakuha noong 2019-12-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. https://en.wikipedia.org/wiki/Scotland#Infrastructure