Kilt

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search


Isang kilt.

Ang kilt ay isang uri ng palda o saya na isinusuot ng mga kalalakihang Eskoses.[1] Katulad ito ng pustanela ng Gresya, na isinusuot naman ng mga kalalakihang Griyego.

Sa Eskosya, isa itong tradisyunal o pangseremonyang piraso ng pananamit, katulad ng isinusuot ng mga kalalakihang kawal na Eskoses . Gawa ito mula sa hinabing telang nagbuhat sa balahibo ng tupa at may padrong tartan. Ginagamit din itong tradisyunal na damit ng mga sundalong Kanadyano at ng mga tumutugtog ng pipang may supot sa Eskosya. Isinusuot din ito ng mga lalaki sa araw o pagdiriwang ng kasal.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang kilt ay nagmula noong ika-16 na siglo, dati itong isinusuot bilang buong kasuotan ng mga kalalakihang Geliko sa hilagang Eskosya. Tinatawag itong leine (salitang Gelikong ibig sabihin ay shirt), ang kasuotang ito ay binabalot sa ibabaw ng balikat. Ang pagsuot ng kilt ay naging pagkaraniwan noong 1720's, noong ginamit ng British military ito bilang ang kanilang uniporme. Ang kilt na umaabot hanggang sa tuhod tulad ng kilt na moderno, ay hindi lumaganap hanggang sa huling bahagi ng ika-17 na siglo, at sa maagang bahagi ng ika-18 na siglo.

Ang maagang bersiyon ng Scottish kilts ay ginagawa ng mga tela na may kulay tulad ng: puti, kayumanggi, luntian, o itim tutol sa maraming kulay o tartan na sikat ngayon. Dahil sa paglaganap ng teknolohiya ng pagkukulay at paghahabi sa huling bahagi ng 1800's, ang tartan ay yumabong, at ang disenyong ito ay naging taal sa Eskosya.

Ang great kilt at ang belted plaid ay sumanga mula sa balot na tartan, noong naging sikat na uri ng pananamit ang balot na lana (woolen wrap), at plaid. Ang kasuotan na sinusuot sa ibaba ng baywang ay naging belted plaid. Itinawag ito sa wikang Geliko bilang feileadh-mor ibig sabihin ay great wrap o malaking balot, o breacan-an-feileadh ibig sabihin tartan wrap . Ang belted plaid ay sumikat sa kalalakihan ng Highlands noong ika-17 na siglo. Noong 1822 ito ay isinusuot sa mga okasyon laban sa kasuotang pang araw-araw. Ang pangbabaeng bersiyon nito ay tawag na arisaid, na umaabot hanggang sa bukong-bukong gawa sa puting tartan.

Noong gitnang bahagi ng ika-17 siglo ang maliit na kilt o tawag sa wikang Geliko na phillabeg o feileadh, ibig sabihin ay maliit na balot ay lumaganap. Ang maliit na kilt ay ang pangibabang bahagi ng great kilt na nangaling noong ika-16 na siglo, na belted plaid na hindi tinahi. Ang kasuotan ay pinagtitipon sa tiklop at nilagyan ng sintron sa baywang at umaabot sa taas ng tuhod, na may ilang pulgada ng tela umaabot sa itaas ng sintron. Mayroong hiwalay na sukat ng tela na isinusuot sa ibabaw ng mga balikat para sa proteksyon at para sa init.

Ang philabeg ay lumaganap sa unang bahagi ng ika-17 na siglo sa hilaga at sentral na bahagi ng Eskosya. Ngunit isang pagsiskap upang sugpuin ang kultura ng Highlands. Si Haring George II ay ipinataw ang Dress Act of 1746, na ginawang ilegal sa mga rehimyentong Highland na magsuot ng mga kasuotan na kahawig ng Highland Dress pati na rin ang kilt. Ang mga kalaban ni Haring George II ay nagbabanta na palitan siya sa paraan ng pagpapadala ng hukbong Jacobite. Sa takot ginamit niya ang pagbabawal ng kit sa mga hukbong Highlanders upang makita niyakung sino ang sumusuporta sa mga Jacobite upang alisin sila.

Ngunit ang phillabeg kilt ay nanatiling kasuotan ng mga nagrerebelde sa pagbabawal ng Pamahalaang Ingles. Ang pagbabawal ay inalis noong 1782, parehas na panahon noong naging simbolo ng kultura ng Eskosya ang kilt, at ang tradisyunal na kilt ay nagbigay daan sa paggawa ng kilt mula sa tartan, na kumakatawan sa partikular na pamilya, rehiyon o bansa.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Gaboy, Luciano L. Kilt - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. https://www.authenticireland.com/scottish-kilts/" A History of Scottish Kilts"


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.