Pumunta sa nilalaman

Kapuluang Peroe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kapuluang Paroe)
Kapuluang Peroe
Føroyar
Færøerne
Watawat ng Kapuluang Peroe
Watawat
Eskudo ng Kapuluang Peroe
Eskudo
Awiting Pambansa: Tú alfagra land mítt
Thou, my most beauteous land
Location of Kapuluang Peroe
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Tórshavn
Wikang opisyalPerowes, Danes
Pangkat-etniko
91.7% Peroes
5.8% Danes
0.4% Icelanders
0.2 % Noruwego
0.2% Poles
KatawaganFaroese
PamahalaanParlamentaryong demokrasya sa loob ng isang monarkiyang konstitusyonal
• Monarkiya
Frederik X
Dan M. Knudsen
Aksel V. Johannesen
Autonomong lalawigan ng Kaharian ng Dinamarka
• Pamumunong pangtahanan
1 Abril 1948
Lawak
• Kabuuan
1,399 km2 (540 mi kuw) (180th)
• Katubigan (%)
0.5
Populasyon
• Pagtataya sa Pebrero 2009
48 797 (ika-202)
• Senso ng 2007
48,500
• Densidad
35/km2 (90.6/mi kuw) (ika-176)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2006
• Kabuuan
$2.2 bilyon (hindi nakaranggo)
• Bawat kapita
$45,250 (2006 tinataya) (hindi nakaranggo)
TKP (2006)0.9431
napakataas · ika-15
SalapiKronang Perowes² (DKK)
• Tag-init (DST)
UTC+1 (EST)
Kodigong pantelepono298
Internet TLD.fo
  1. Kabatiran para sa Dinamarka kabilang ang Kapuluang Peroe at Lupanlunti.
  2. Ang pananalapi, nakalimbag na may mga disenyong Peroes, ay inilalabas na katambal ng kroner na Danes, at nagsasanib ng katulad na katangiang pangseguridad at gumagamit ng kaparehong mga sukat at pamantayan ng mga baryang Danes at nota ng bangko. Ginagamit ng Peroes na krónur (isahan: króna) ng pang-ISO 4217 na Danes na kodigong "DKK".
Ang imahen ng Kapuluang Peroe na kuha ng satelayt ng NASA.

Ang Kapuluang Peroe o Mga Pulo ng Peroe (sa Wikang Perowes: Føroyar, sa Wikang Danes: Færøerne, sa Nynorsk: Færøyane, sa Bokmål: Færøyene, sa Matandang Norse/Wikang Islandes: Færeyjar; literal na "Kapuluan ng mga batang tupa") ay isang grupo ng mga isla na nasa pagitan ng Dagat ng Noruwega at Hilagang Karagatang Atlantiko, mahigit kumulang sa gitna ng Eskosya at Lupangyelo. Ang Kapuluan ng Peroe ay parte ng Kaharian ng Dinamarka, kasama na ang Dinamarka mismo at ang Lupanlunti.

Ang Kapuluang Peroe ay naging probinsiyang awtonomo ng Dinamarka simula 1948. Ang mga Peroes, habang tumatagal, ay nakuha na ang karapatan sa maraming mga bagay, ang iba ay responsibilidad pa rin ng Dinamarka, tulad ng depensa (ngunit may sarili silang coast guard o bantay sa dalampasigan), ugnayan panlabas at batas.

Ang mga Peroes ay may malakas na ugnayan sa Islandia, Noruwega, Shetland, Orkney, ang Panlabas na Hebrides at Lupanlunti. Ang kapuluan ay nahiwalay nang pampolitika mula sa Noruwega noong 1814. Ang Peroes ay nagrerepresenta ng Nordikong Konseho bilang parte delegasyon ng Dinamarka.

Mga rehiyon at munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kapuluan ng Peroe ay nahahati sa 34 na munisipalidad at mahigi kumulang na 120 na mga siyudad at mga bayan.

Nahahati ang Kapuluan ng Peroe sa anim na rehiyon: Norðoyar, Eysturoy, Streymoy, Vágar, Sandoy at Suðuroy.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]