Iceland

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lupangyelo)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Republika ng Iceland
Lýðveldið Ísland
Pambansang Awit: Lofsöngur
Kinaroroonan ng  Iceland  (kahel)

sa sa lupalop ng Europa  (puti)

Kabisera Reykjavík
64°08′N 21°56′W / 64.133°N 21.933°W / 64.133; -21.933
Pinakamalaking lungsod punong lungsod
Opisyal na wika Islandiko (de facto)
Pamahalaan Republikang Konstitusyunal
 -  Pangulo Ólafur Ragnar Grímsson
 -  Punong Ministro Jóhanna Sigurðardóttir
Kalayaan mula sa Denmark 
 -  Sariling pamumuno 1 Pebrero 1904 
 -  Soberanya 1 Disyembre 1918 
 -  Republic 17 Hunyo 1944 
Lawak
 -  Kabuuan 103,000 km2 (ika-107)
39,770 sq mi 
 -  Katubigan (%) 2.7
Populasyon
 -  Pagtataya ng Abril 2007 309,699[1] (ika-172)
 -  Senso ng Disyembre 1980 229,187 
 -  Kakapalan 2.9/km2 (ika-222nd)
7.5/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $10.531 bilyon (ika-135)
 -  Per capita $35,586 (2005) (5th)
KGK (nominal) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $15.823 bilyon (ika-90)
 -  Per capita $52,764 (ika-5)
TKT (2004) Increase 0.960 (high) (ika-2)
Salipi Krona (ISK)
Pook ng oras GMT (UTC+0)
 -  Tag-araw (DST) - (UTC)
Internet TLD .is
Kodigong pantawag 354

Ang Iceland, opisyal na tinatawag na Republika ng Iceland, (Icelandic: Lýðveldið Ísland) ay isang pulong bansa sa kanlurang Karagatang Atlantiko sa pagitan ng Greenland, Norway, at ng Kapuluang Britaniko. Isa itong bansa sa Europa, na nasa hilaga ng Karagatang Atlantiko. Nasa silangan ito ng Greenland na 300 kilometro ang layo at 1000 kilometro pakanluran mula sa Noruwega. Mayroong itong 39,769 milya kuwadradong lawak na sakop. Nasa pagitan ang Europeong bansang ito ng Hilagang Amerika at ng kontinente ng Europa. Bilang paghahambing, magkapareho ang distansiya ng paglalakbay mula New York, Estados Unidos hanggang Iceland at ang layo ng pagbibiyahe mula New York patungong Los Angeles, Estados Unidos.[2] Kasinglaki ang Lupangyelo ng Kentucky ng Estados Unidos, at pinaninirahan ng may halos 300,000 kataong naninirahan ang karamihan sa mga dalampasigan.[2]

Nananatili ang mga bahagyang temperatura buong taon sa Iceland. Bihirang umabot ang temperatura sa 75 gradong Fahrenheit (24 degring sentigrado) tuwing tag-init. Sa tag-lamig, hindi umaabot sa mga mabababang temperatura sa kabisera nitong Reykjavik, hindi tulad na nararanasan sa New York, Estados Unidos o kaya sa Ottawa, Canada.[2]

Bagaman may sariling wika, nagsasalita rin ng Ingles ang mga Icelander', ang mga mamamayan ng Iceland.[2]

Karaniwang pagkain sa Iceland ang mga lamang-dagat at mga lutuing may tupa.[2]

Tinatawag na krona (isahan) o kronur (maramihan), may sagisag na ISK, ang salaping ginagamit sa Iceland. Katumbas ng isang dolyar ng Estados Unidos ang 70 ISK.[2]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Statistics Iceland". www.statice.is. 1 Disyembre 2006. http://www.statice.is/?PageID=1390. Hinango noong 20 Setyembre 2006. 
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Iceland." Frequently Asked Questions, GoIceland.org, IcelandNaturally.com, at Icelandic Tourist Board, pahina 24, 2007



BansaHeograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Bansa at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.