Pumunta sa nilalaman

Kaputol ng Isang Awit (pelikula)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kaputol ng Isang Awit
DirektorEmmanuel H. Borlaza
PrinodyusVic del Rosario Jr.
Itinatampok sinaSharon Cuneta
Gary Valenciano
Tonton Gutierrez
Eddie Mesa
MusikaWilly Cruz
TagapamahagiVIVA Films
Inilabas noong
24 Oktubre 1991
BansaPilipinas
WikaPilipino
Tagalog
Ingles

Ang Kaputol ng Isang Awit (Ingles: The Other End Of A Song) ay isang pangalawang pelikulang dula at musika sa Pilipinas noong 1991 na pinalabas sa takilya ng VIVA Films sa ilalim ng direksiyon ni Emmanuel H. Borlaza. At ang gumanap ng unang pelikula ng Kaputol ng Isang Awit noong 1949 sa Sampaguita Pictures at ang gumanap ng serye sa telebisyon na ang estasyon sa GMA 7 na sina Glaiza de Castro at Lovi Poe na ang Kaputol ng Isang Awit noong 3 Marso 2008 hanggang 13 Hunyo 2008.

Si Sarah (ginagampanan ni Sharon Cuneta) ay isang ordinaryong babae na nais mapagaling ang kanyang nanay na naging pipi dahil sa trauma na kanyang naranasan sa pagkadalaga. Isang araw, habang kumakanta sa isang sing-along bar, siya ay na diskobre ni Eric (Tonton Gutierrez) na isang music producer. Mula noon ay siyay binigyan ng pagkakataon para sumikat. Ngunit ang kanyang pagiging mang aawit ay higit na tinutulan ni Margaux, ang anak ng may ari ng produksyong kinabibilangan ni Sarah at ang nobya ni Eric. Sa sobrang pagseselos ni Margaux napagdesisyonan ni Eric na siyay hiwalayan. Sa galit ni Margaux ay naghanap din siya ng musikong maaring maintapat kay Sarah. Nadiskubre niya si Johnny (Gary Valenciano) sa isang pagtitipon kung saan itoy kanyang pinakanta.

Dito nagsimulang sumikat si Sarah at Johnny at hinay hinay ding nagkapalagayan ng loob. Pinakilala ni Johnny si Sarah sa kanyang ana na si Don Julio na agad siyang sinabihang ayaw niya kay Sarah at gusto niyang iwasan ni Johnny ito. Agad namang tumanggi si Johnny sa kagustuhan ng ama. Dahil sa kagustuhang mapalayo si Johnny at Sarah, kinausap ni Don Julio si Margaux upang mapaghiwalay ang dalawa. Si Margaux naman ay kinausap si Eric upang mapalayo si Sarah at mapa sa kanya si Johnny. Sa pagkidnap ni Eric kay Sarah, galit na sinabihan ni Sarah si Eric na kailanman ay di niya mapapantayan ang pagka maginoo ni Johnny. Dahil dito, galit na umalis si Eric ng bahay at nagmaneho sa kanyang sasakyan at nabangga.

Nakabalik si Sarah at Eric sa Maynila. Sa isang pagtatanghal sa preso habang kumakanta si Johnny at Sarah, may isang preso na kumanta ng kanilang awit na bago lamang nilang nadiskubre. Ang awit na ito ay nakita ni Sarah sa mga gamit ng kanyang ina at nakapangalan kay Arsenio.

  • Kaputol ng Isang Awit (lit.The Other End Of A Song) ay isang kantang nilikha at isinula ni Willy Cruz. Ito ang temang kanta sa pelikulang Kaputol ng Isang Awit Kinanta ito sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano at Eddie Mesa noong 1991.
  • Himala ng Pag Ibig (lit. Miracle of Love) ay isang kantang nilikha at isinulat ni Willy Cruz. Ito ang temang kanta sa pelikulang Kaputol ng Isang Awit . Kinanta ito sina Sharon Cuneta noong 1991.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]